Maraming mga puso ang nadurog sa ibinahaging Facebook post na ito ng isang Maria Impreso tungkol sa panloloko sa kanya ng kanyang mister na nasa Kuwait na wala man lang siyang ka-alam-alam.
Ang masaklap pa rito, mayroon na palang anak ang mister niyang ito sa kanyang kabit na kinakasama na rin nito sa bansang Kuwait. Alam din ito ng mga kabigan nila sa Kuwait ngunit wala ni isa sa mga ito ang nagsumbong sa kanya.
Hindi mailarawan ni Maria ang sakit na kanyang nararamdaman nang malaman ang tungkol sa panlolokong ito ng kanyang asawa. Kung hindi pa dahil sa isang concerned na netizen na nagpadala sa kanya ng mga larawan ng pagtataksil ng kanyang asawa, hindi niya umano ito malalaman.
“SOBRA SOBRA SOBRANG SAKIT John Archie Impreso ang ginawa mo sa’kin. Ang sakit malaman na ‘yung asawa ko pala, may babae.
“Heto pa ‘yung pinaka kinadurog ko, may ANAK na pala kayo? 3 months na ‘yung bata? Ibig sabihin, last year niloloko mo na pala ako, o baka hindi lang last year. Ayoko nang malaman. Parang pinatay mo na ako. Sana pinatay mo nalang ako,” emosyonal pang pagbabahagi ni Maria.
Ayon sa netizen, binigyan niya umano ng 24 oras ang mister niyang ito na magpaliwanag sa kanya ngunit, hindi umano siya pinansin nito upang kahit mag-sorry man lang sana.
Ang nakakalungkot pa sa naturang Facebook post ni Maria ay nang sisihin nito ang kanyang sarili dahil wala umano silang anak ng kanyang mister na siyang naibigay ng kabit nito. Dahil dito kaya wala na umano siyang balak maghabol sa asawa kahit na mayroon siyang karapatan na maghabol dito.
“Pasensya ka na sa part na hindi ako nabuntis agad…
“Magiging masaya nalang ako para sa’yo, para sa inyo ng baby mo. Masaya ako natupad na ‘yung pangarap mo na magka-baby. Pangarap nating dalawa (noon).
“Hindi na kita hahabulin, wala naman tayong anak. Kahit ako ang legal, ipapaubaya na kita. Hindi ko na kayang ipaglaban ‘yung kapirasong papel na noon pala tinapon mo na. Mas kailangan ka nila,” dagdag pa ni Maria.
Hindi na umano baleng siya ang masaktan basta’t hindi lamang siya ang nanakit ng tao. Kahit masakit, hangad na lamang umano ni Maria ang kasiyahan ng mister sa anak nito at kanyang kabit.
Ang gusto niya na lamang umano ngayon ay mapawalang bisa ang kasal nila ng naturang mister. Ayon kay Maria, sana raw ay ‘wag nang magtago pa ang dalawa at makipagtulungan na lamang sa kanya dahil kung hindi, kahit gusto niya umanong palayain ang dalawa ay mapapilitan umano siya na umaksyon sa ginawa ng mga ito.
Ayon naman sa mga netizen, sana raw ay ipaglaban ni Maria ang kanyang karapatan dahil kasal sila nito at dapat lamang na maparusahan ang kanyang mister. Nais ng mga ito na ma-deport ang dalawa dahil sa ginawa ng mga ito kay Maria.
Sa ngayon, ang facebook post na ito ni Maria ay humakot na ng mahigit 40 000 na reaksyon mula sa mga netizen na karamihan ay galit sa nangyaring ito kay Maria.
Hiling ng mga ito na sana raw ay malampasan ni Maria ang nangyaring ito sa kanya at mabigyan ng hustisya ang ginawang panloloko sa kanya ng kanyang mister.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment