Trending ngayon sa Facebook ang post na ito ng netizen na si Kim Tan tungkol sa kanyang mister at kalaguyo nito na lagi umanong magkasama at magka-angkas sa motor.
Isang rider umano ang mister na ito ng naturang netizen kaya madalas itong wala sa bahay. Kasama ang kanyang mga kapwa rider, kung saan-saan umaabot ang mga ito sakay ang kanilang mga motor.
Ngunit, ang ikinasama umano ng loob ni Tan ay nang pinagtakpan ng mga kasamang rider na ito ng kanyang mister ang ginagawa sa kanya nitong panloloko. Imbes daw na isumbong sa kanya ang pagtataksil nito, mukhang kinokonsente pa umano ng mga ito ang ginagawa sa kanya ng kanyang mister.
Sa mga larawan na ibinahagi ng nasabing netizen, makikita ang mga kinuhanang larawan ng mga kasama ng kanyang mister kung saan, nahagip ng mga ito ang babaeng umano’y kalaguyo nito.
Makikita dito na palaging magkasama ang dalawa at magkaangkas din sa motor. Mayroon pa raw larawan ang dalawa kung saan, makikita ang kabit nito na natutulog sa likod ng kanyang mister.
Ayon sa netizen, kaya pala umano napapadalas ang pag-alis ng maaga at pag-uwi ng matagal ng kanyang mister ay dahil sa may iba na itong kinikitang babae. Halos hindi na raw umuuwi sa kanila ang kanyang mister at palagi na lamang mayroong lakad.
Idinahilan pa umano nito sa kanya na mayroon silang ‘no backride policy’ ngunit ito at huling-huli na ang angkas daw nito ay ang kanyang kabit.
Tuwing umaga daw ay mayroon pa itong dalawang malaking bag para patunayan na bawal ang umangkas sa kanila. Ngunit, ‘props’ lang pala umano ang naturang bag ng mister.
Pagdadahilan pa umano ng mga barkada at kapwa rider ng mister, kasama lamang umano nilang rider ang naturang babae at nasiraan lamang ng motor kaya umangkas muna sa mister ni Tan.
Ngunit, ayon kay Tan ay sapat na umanong ebidensya ang ilang mga larawan na palaging magkasama at magka-angkas ang dalawa. Maliban pa umano ito sa isa ring video kung saan kita rin ang pagtataksil ng dalawa.
Ayon pa kay Tan, hindi man lang umano inisip ng mga kasama at barkada ng kanyang mister na mayroon itong pamilyang inuuwian. Sana man lang daw ay pinagsabihan ng mga ito ang kanilang kaibigan.
Sa ngayon, ang Facebook post na ito ni Tan ay umani na ng mahigit sa 13,000 na mga reaksyon kung saan karamihan ay galit din sa isinawalat ng nasabing netizen. Umabot na rin sa mahigit 30,000 ang nakakalap nitong shares.
Kaugnay nito, mayroon namang napansin ang mga netizen sa paraan ng pagkakakuha umano ng larawan ng mga barkada ng mister ni Tan. Ayon sa mga ito, mukha umanong sinadya ng mga ito na mahagip sa kanilang mga ‘selfie’ ang pagtataksil ng asawa ni Tan.
Kahit nasa malayo raw kasi ang dalawa ay nahahagip pa rin ang mga ito sa naturang mga larawan. Dagdag ng mga ito, baka raw hindi aksidente at intensyon na rin talaga ng mga barkadang ito ng mister ng netizen na patagong isiwalat ang ginagawa ng kanilang kaibigan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment