Saturday, September 12, 2020

Janella Salvador at Markus Paterson, Kinumpirma na sa Wakas ang Kanilang Relasyon



Marami ang kinilig sa tuluyan na ngang pagkumpirma nina Janella Salvador at Markus Paterson sa kanilang relasyon nito lamang Sabado, ika-12 ng Setyembre.

Sa Instagram, sa pamamagitan ng isang video nila na ibinahagi ni Markus, marami ang natuwa at kinilig sa matamis na pag-amin na ito ng dalawa.

Sa naturang video, isang matamis na yakap at halik ang makikita sa dalawa na talaga namang ikinakilig hindi lamang ng kanilang mga tagahanga kundi pati na rin ng kanilang mga kaibigan sa showbiz.

Ang ilan naman sa mga unang naghatid ng kanilang pagbati sa dalawa ay sina Sue Ramirez, Bailey May, Joao Constancia, Russel Reyes, Ryle Santiago, at iba pa.

Karamihan sa mga ito ay tuwang-tuwa dahil sa wakas umano ay naamin na ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon.


Kung matatandaan, noon pa man ay napapabalita na ang pagiging magkarelasyon nina Markus at Janella ngunit hindi nila ito lantarang kinumpirma sa publiko.

Ayon kay Janella, sa pagkakataong ito ay mas gusto niya umano na magkaroon ng mas pribadong relasyon dahil sa naranasan nito noong relasyon na lantaran sa publiko.

“I’d rather not release an official statement kung ano man mayroon…

“Kasi based on my last relationship, based on my experience, it doesn’t do me any good na you’re in a relationship with someone pero feel mo, you’re in a relationship with the whole world,” ani pa nga noon ni Janella sa isa sa mga panayam nito.

Sa isa pang naging panayam kay Janella, bagama’t hindi nito tuluyang kinumpirma ang relasyon ay nagbigay naman ito ng opinyon dito matapos ang mga kumalat na larawan nilang dalawa ni Markus na magkasama sa mga importanteng okasyon sa kanilang buhay.




“We just don’t wanna give an official statement kasi kung magbigay ng official statement, parang obliged na marami ka nang ishe-share, ganun…

“And based on my experience, mas gusto kong private na muna lalo na ngayo’t bago pa. Nakakatuwa na itong part na ‘to ng buhay ko, mayroon akong privacy,” pahayag pa uli ni Janella.

Ganito rin ang naging sagot ni Markus nang tanungin din ito tungkol sa pagkakaroon niya umano ng relasyon kay Janella. Ayon kay Markus, irerespeto niya umano ang kagustuhan ni Janella na magkaroon ng pribadong relasyon.

“I’m gonna say the same thing. Obviously, what we have is between us and we wanna keep it that way. Obviously, she said that she didn’t want to have a relationship with the rest of the world and she’s experienced that. I wanna respect her and what she wishes to…

“So I’m not gonna say anything… or to confirm or deny it,” saad pa ni Markus.


Gayunpaman, sa kabila ng hindi pagkumpirma dati ng dalawang ito sa kanilang relasyon, ibinahagi ng mga ito na masaya sila sa anuman ang mayroon sila.

Hindi naman maitatanggi ang sayang ito ng dalawa lalo na ngayong naibahagi at nakumpirma na nila sa publiko ang matagal ng tanong ng mga tao.


Hindi lamang sila ang natuwa kundi maging ang kanilang mga tagahanga at kaibigan na hinihintay lamang sina Janella at Markus na siyang tuluyang magsabi at magkumpirma sa kanilang relasyon.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment