Saturday, September 12, 2020

Isang Lalaki, Hindi Umano Makapagbigay ng Sustento sa Anak Ngunit May Pambisyo at Pambabae sa Ibang Bansa


Trending ngayon sa Facebook ang ibinahaging post na ito ng netizen na si Pinkynest Palomar Galvez tungkol sa hindi umano pagbibigay sustento ng ama ng kanyang anak habang nagpapakasarap ng kanyang buhay sa ibang bansa.

“Tamang chill lang habang nagugutom yung anak,” ani pa ni Galvez tungkol sa naturang lalaki.

Ayon kay Galvez, sobra na umano ang ginagawa ni Carlo Don S. David na nasa Canada ngayon. Dito, ibinahagi niya ang lahat ng umano’y kalokohan ni David na hindi man lang daw makapagbigay sa kanilang anak.

“NATURINGAN NASA CANADA KA PERO DI MO MATUSTUSAN PANGANGAILANGAN NG ANAK MO! NABIBILI MO LUHO AT BISYO MO PERO PAG HININGIAN KA WALA KANG MAIBIGAY,” muli pang saad ni Galvez.


Sa naturang Facebook post, ibinahagi ni Galvez ang ilan sa mga ebidensya kung saan, sinasabi umano ni David na wala pa itong trabaho doon kay hindi siya makapagbigay ngunit, sa naturang mga larawan ay makikita na nakabili umano ito ng bagong sasakyan.

Maliban dito, nagawa pa umano ni David na bumukod at magbayad ng sariling renta sa tinutuluyan upang maiuwi ang babae nito.

“Oppsss!! Nakuha pang mambabae, eto yung hindi ka nagbibigay kase pinili mong mag sarili at mag rent para nauuwi mo mga babae mo…

“Naawa ka sa jowa mo dahil nasira yung make up? Pero sa anak mong tinalikuran at pinabayaan mo dika naaawa? Kakahiya ka carlo isa kang cancer sa lipunan,” muli pang saad ni Galvez.

Ang mas matindi pa rito, nagagawa pa umano ni David na unahin ang kanyang bisyo kaysa magbigay ng sustento sa kanyang anak. Bilang patunay ay mayroong larawan na ibinahagi si Galvez na galing pa mismo kay David.





Ayon kay Galvez, minsan lamang umano nagpadala si David at ang pamilya nito sa kanya ngunit kung makapanumbat daw ang mga ito sa kanya ay parang ang laki-laki umano ng naibigay ng mga ito.

Sinabihan umano siya ng mga ito na inaasa niya umano lahat ng gastos sa kanila gayong noong minsang nanghingi raw siya sa mga ito dahil sa pagkakasakit ng kanyang anak, Php 1350 lamang umano ang kanilang ibinigay. Nagbigay din umano ng Php 5000 ang mga ito ngunit matapos ang dalawang buwan ay hindi na ito nasundan pa. Ani pa nito,

“"Asa lahat"? Bakit gaano ba kalaki yung ibinibigay nyo para sabihin nyong asa lahat? Dko inaasa sainyo responsibilidad nyo yan!!”

Ang isa rin sa ikinasama ng kanyang loob ay ang pagkukunsinte pa umano ng ina ni David sa pinaggagagawa nitong kalokohan na imbes na pagsabihan ay mas kinukunsinte pa.






Ang mga ito rin kasi umano ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring birth certificate ang kanilang anak. Ani raw kasi ng mga ito, hindi raw dapat na malaman ng immigration na may anak sa Plilipinas si David dahil madedeport ito. Inintindi umano itong lahat ni Galvez sa kabila ng ginawa ng mga ito.

Ngunit, dahil sumusobra na umano si David at maging ang pamilya nito, hindi na umano nito kaya pang palagpasin ang lahat. Ayon kay Galvez, nais niya umano na maitampok sa programa ni Raffy Tulfo ang pinag-gagawang ito sa kanyang ng mag-iina.

Sa naturang Facebook post, humingi ng tulong si galvez na maipaabot ang kanyang post sa #raffytulfoinaction.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment