Tuesday, September 15, 2020

KILALANIN: Ang Binansagang Pinakamagandang Babae sa Buong Mundo



Marahil ay ilang beses mo nang nakita sa internet o sa ilang mga magasin at fashion show ang laRawan ng babaeng ito na binansagan bilang siyang pinakamaganda sa buong mundo. Ito ay ang top model na si Anok Yai.

Sa kabila ng kanyang kulay na dumaranas ng diskriminasyon sa pangkalahatan, pinatunayan ni Anok Yai ang ganda nito na talagang hinangaan sa buong mundo.

Bago pa man makilala sa ganda nito at bilang isang modelo, si Anok ay isa lamang ordinaryong estudyante sa Plymouth State University na kumukuha ng kursong Biochemistry. Ipinanganak ito sa South Sudan at nagtapos ng hayskul sa Manchester High School West.

Nang minsang dumalo ito sa homecoming ng Howard University sa Washington, DC, isang professional photograpaher ang kumuha ng larawan ni Anok at ibinahagi ito sa social media. Ilang oras lamang matapos ito, agad na naging viral ang kanyang larawan. Si Anok ay 19 taong gulang pa lamang nito.


Dahil sa naturang larawan ni Anok na naging viral, hinanap at hinikayat ito ng iba’t-iba at malalaking modelling agency na mapabilang sa kanila tulad ng IMG at Next Model Management. Ilang linggo lamang ang nakalipas mula nito ay tuluyang napasama si Anok sa Next Model Management.

Ilang buwan lamang ang nakalipas magmula nang siya’y magviral, gumawa agad ng kasaysayan si Anok bilang kauna-unahang model mula sa bansang Sudan na mag-open sa prestihiyosong Prada Fashion Show.

Maliban dito, si Anok din ang ikalawang black model na mag-open ng naturang show, kasunod lamang ng iniidolo din niyang black supermodel na si Naomi Campbell.

Maliban sa Prada, naging bahagi na rin si Anok ng malalaking brand tulad ng Givenchy at ng Vogue.




Gaya ng kanyang iniidolo at inspirasyon na supermodel na si Naomi, namayagpag din sa industriya ng modelling ang career ni Anok. sa edad niya ngayong 22 taong gulang lamang, maraming mga malalaking proyekto na ang kanyang nagawa.

Dahil dito, isa si Anok sa umano’y mga model na may pinakamalaking bayad o kita. Ayon sa mga ulat, umaabot umano ang bawat kita ni Anok mula $15 000 hanggang $48 000. Sa ngayon, ang estimated networth umano ng modelo ay umaabot na sa $2 hanggang $3 milyon.

Isa ngayon si Anok sa mga pinakasikat at pinakapinag-aagawang modelo sa industriya. Kaya naman, inspirasyon itong maituturing para sa marami lalong lalo na sa kanyang mga kapwa black women.

Sa ilang taon lamang na pagiging bahagi ni Anok sa industriya ng modelling mula ng madiskubre ito noong siya ay 19 taong gulang lamang, hindi maikakaila na malayo na ang narating nito. Ngunit, sa kabila nito ay alam ng model na marami pa siyang dapat matutunan at maranasan sa buhay at sa kanyang karera.



Nararapat lamang para kay Anok ang bansag sa kanya bilang pinakamagandang babae dahil, bukod sa hindi nito matatawarang ganda, pinatunayan nito na ang ganda ay hindi lamang nalilimita sa pangkaraniwang kulay na puting balat.


Pinatunayan nito na ang lahat, anuman ang kanilang kulay, ay may karapatang maging maganda sa panloob man o panlabas.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment