Dahil sa naging hilig na ngayon ng karamihan ang pangongolekta ng iba’t-ibang mga halaman, mayroong pinapaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Zamboanga Peninsula sa publiko tungkol dito.
Ayon sa DENR, maaari umaning pagmultahin ng mula Php 100,000 hanggang Php 1,000,000 ang mga taong ilegal na nangongolekta ng mga wild plants o mga halaman na dineklarang critically endangered.
Maliban dito, maari rin umanong makulong ng hanggang 12 taon ang sinuman na lumabag dito.
“The collection of wild flora directly from the forest, especially those considered as threatened species, without permit is prohibited under Republic Act 9147 or the Wildlife Resources Conservation and Protection Act,” ani pa ni DENR Zamboanga Peninsula Executive Director Crisanta Marlene P. Rodriguez.
Ayon kay Director Rodriguez, mahigpit umanong ipinagbabawal ng batas ang pangongolekta sa mga halamang ito mula sa kagubatan nang walang kaukulang permit mula sa DENR.
“...collection and trade of threatened species are prohibited unless such acts are covered under a permit issued by the DENR and the species are found in areas under a valid tenure instrument or a parcel of land covered by a title under the Torrens System…
“Furthermore, collection of plant species within Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS) sites are strictly for research purposes and would require Gratuitous Permits issued by the DENR,” dagdag saad pa ni Director Rodriguez.
Dahil sa mga napapabalitang ilegal na bentahan umano ng mga wild plants na ito na maituturing ding critically endangered na, mas pinalawak na umano ng sektor ang pagmomonitor upang mahuli ang sinuman na mapapatunayang lumabag dito.
Ayon sa DENR, ang ilan sa mga halamang ito na itinuturing nang critically endangered ay ang Giant staghorn fern o Capa de Leon (Platycerium grande), Staghorn fern (Platycerium coronarium), at Waling-waling (Vanda sanderiana).
Ilan pa sa mga halamang ito na ipinagbabawal kolektahin ay ang Green Velvet Alocasia (Alocasia micholitziana), Kris plant (Alocasia sanderiana), at ang Zebra Plant (Alocasia zebrina).
Upang hindi mapatawan ng kaukulang parusa, pinapaalahanan ngayon ng DENR ang publiko na iwasan ang pagkolekta o pangunguha ng mga halamang ito kung walang hawak na kaukulang permiso galing sa kanila.
Nitong nakaraang mga buwan kung kailan malawakang ipinatupad ang community quarantine, isa sa mga bagay na kinahiligan ng publiko ay ang pangongolekta at pag-aalaga ng iba’t-ibang mga halaman.
Ito ang naging libangan ng ilan na umano’y pampawala ng bagot sa bahay at pampatanggal na rin ng stress dulot ng mga pangyayari tulad ng pandemya. Habang ito’y naging libangan lamang para sa karamihan, mayroong iilan na sineryoso na ang pangongolekta ng mga halaman mula sa pinaka-pangkaraniwan hanggang sa pinaka-kakaiba.
Dahil dito, mayroon na ring iba na ginawang negosyo ang pagpaparami at pagbebenta ng mga halaman habang ito ay patok na patok pa sa publiko.
Sa socila media, nagkalat ang bentahan ng iba’t-ibang mga halaman kung saan, ang iba ay mayroong nakakalulang mga presyo dahil sa pagiging espesyal at kakaiba umano ng mga halamang ito.
Ito ang isa sa mga dahilan ng pagkilos at babalang ito ng DENR upang paalalahanan ang publiko na mag-ingat sa mga kokolektahing halaman dahil hindi lahat ng mga ito ay pwede nilang kolektahin lalong lalo na ang mga wild o critically endangered plants.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment