Hindi na napigilan pa ni Raffy Tulfo na pagalitan ang kanyang mga staff sa kanyang programa matapos ang isang reklamo dito na umano’y kabobohan at ginagamit lamang ang programa.
Ito ay nangyari nang mayroong dumulog kay Tulfo na inirereklamo ang paglalabas umano sa publiko ng isang video nito na nagbibigay ng public apology.
Hindi nagustuhan ni Tulfo ang reklamong ito na ayon sa kanya ay isa umanong kalokohan. Ayon kay Tulfo, bakit pa umano ito tinawag na public apology kung hindi lang din naman ito ilalabas sa publiko.
“What is the essence of asking for a public apology kung hindi naman pala ‘yun ipo-post o to be made public? Ano ‘yun? Ire-record kita… mag-public apology ka, record kita and then itatambak ko nalang? Ia-archive ko? That is not pulic apology!,” ani pa ni Tulfo.
Dahilan naman ito upang pagalitan ni Tulfo ang kanyang mga staff na hindi umano maayos na ni-research ang naturang reklamo. Ayon kay Tulfo, dahil umano sa mga ganitong pagkakataon kaya nagagamit ng hindi maganda ang kanilang programa. Dagdag pa nito,
“Come on! Naglolokohan tayo rito. Nagagamit na ‘tong programa sa kabobohan. Kabobohan na ‘to… kabobohan na ‘to! *** Ginagawa nating bobo ang lahat ng tao rito!
“Bakit di n’yo ini-screen ‘tong mga sumbong na ito? We still have *** time! I’m sorry po. I think people are taking advantage of this program. Because you guys are not researching!”
Ayon kay Tulfo, ang reklamong ito ay isa umano sa mga halimbawa ng sablay na mga reklamo sa kanila na gusto lamang makuha ang pansariling interes. Sa madaling salita, ginagamit umano sila ng mga ito.
“Bibigyan na pala ng Php 2,000. Napagod ka nga, sige. Nagmura ka, sige. Kinabukasan ito na Php 2,000. Ayaw mong tanggapin kasi nga pupunta ka sa Raffy Tulfo para ikaw ay tulungan magdemanda…
“At kapag nagkaroon ng demanda, sa kalagitnaan ng kaso, magkakaroon ng aregluhan. Mas malaki nga kaysa sa Php 2,000. Baka maging Php 20,000 ang aregluhan niya. Nagamit tayo,” ani pa ni Tulfo.
Kaya naman, dito ay pinaalahanan ni Tulfo ang kanyang mga staff tungkol sa mga sitwasyong ito na nagreresulta lamang umano sa sila ay nagagamit ng mga taong mayroong personal na interes.
Ayon kay Tulfo, napapansin niya umano na habang tumatagal, parami umano nang parami ang mga reklamo na ‘sablay’ naman talaga ngunit ipinipilit pa rin ang kanilang mga sarili.
“We’re being used. Kaya nga itong sinasabi ko po, sa inyo ha, na we have to be very careful kasi nagagamit lang tayo. Marami pang mga tao d’yan na karapat-dapat nating matulungan na lumalapit sa ‘tin. Nagpapadala po ng mga messages sa atin na talagang they need help.
“As supposed to may sablay naman talaga sila. Why would we entertain these people na sablay that they just want to use our program so that they want to gain something…
“We have to be very careful. Kailangang balansehin din natin. Hindi lahat ng pumupunta kasi dito ay talagang karapat-dapat talagang tulungan,” muli pang paalala ni Tulfo sa kanyang mga staff at kasamahan.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment