Wednesday, September 16, 2020

Larawan ng lalaki, trending ngayon sa gitna ng Baha; “BAHA KA LANG, PILIPINO KAMI!”

Pinagkatuwaan ng mga netizen ang trending Facebook post na ito ng isang lalaki mula Miagao, Ilo-ilo City na ipinakita ang kanyang pagiging positibo sa kabila ng nangyayaring pagbaha sa kanila.

Sa naturang Facebook post, makikita sa isang larawan ang isang lalaki na kaswal na nakaupo sa isang silya sa gitna ng rumaragasang baha! Animo’y walang pakialam ang naturang lalaki sa taas ng baha at prenteng nakaupo at nagrerelaks lamang sa kanyang upuan.

Ang nakakatawang Facebook post na ito ay ibinahagi ng netizen na si KrisPhil Abarro. Anito, ang lalaki sa naturang larawan ay kanya raw kaibigan. Baha lamang daw ito at hindi makakapigil sa kanya na magpahinga at ngumiti. 

“BAHA klng ga chill2 ko d HAHA (You're just the flood, I'm chill out here Hahaha),” caption pa ng netizen sa naturang post.

Marami naman ang naaliw sa trending post na ito na umano’y patunay ng pangingibabaw pa rin ng pagiging masiyahin ng mga Pilipino sa kabila ng nararanasang mga kalamidad tulad ng bagyo.

Imbes na maging apektado sa naturang baha, nagawa pa ng mga ito na pagtawanan at gawan ng biro ang naturang pangyayari. Bagay na kilala sa mga Pilipino na bukod sa pagiging ‘resilient’ ay mas pinagtutuunang pansin ang makangiti at makapagpangiti sa kapwa.

Hinding-hindi mawawala sa mga Pilipino ang kanilang masisiglang mga ngiti kahit pa lumubog na ang buong lugar nito sa baha, basta’t ang importante ay buhay at ligtas ito at ang kanyang buong pamilya. Sapat na rason na ito para maging masaya pa rin sa kabila ng kanilang pinagdaraanan. 


‘Only in the Philippines’ nga lang daw ito nangyayari na nginingitian lamang ng mga tao ang ganito kalalang pagbaha imbes na maging problemado.

Maging sa mga nagdaang dilubyo sa bansa ay makikita pa rin na ang ngiti sa bawat Pilipino ay nandyan kahit na sa bigat ng kanilang dinadala. Kaya naman, ang ganitong pag-uugali ng mga Pilipino ay kadalasang pinupuri ng mga banyaga. Kung minsan ay hindi nito maintindihan ang pag-uugaling ito ng mga Pilipino ngunit, mas nangingibabaw pa rin ang pagkamangha ng mga ito sa pagngiti at positibong pananaw na mayroon ang mga Pilipino.

Kahit na ang Pilipinas ay madalas na tinatamaan ng mga kalamidad lalo na ng mga bagyo taon-taon, nagagawa pa rin ng mga ito na bumangon at magsimulang muli na mayroong ngiti sa kanilang mga labi. Nasanay na nga raw ang mga ito kaya para sa mga Pilipino, ngiti lamang ang katapat ng mga kalamidad na ito. Matapos ang isang bagyo, bukas makalawa ay balik na ulit normal ang kanilang pamumuhay dahil sa kanilang pagiging positibo at masigla.

Samantala, ang malakas na ulan at pagbahang ito na nararansan sa iba’t-ibang mga lugar sa bansa kabilang na ang Ilo-ilo City ay bunsod ng Bagyong Leon. Ilang araw na rin ang nararanasan na pag-ulan sa bansa dahil sa bagyong ito kaya nagresulta na ito sa pagkalubog ng ilang mga bayan sa baha.

Ilang mga bahay at hanapbuhay na katulad ng mga palayan ang nilubog sa baha ng Bagyong Leon na hindi man ikinatuwa ng maraming Pilipino ay pinipilit pa rin nila na maging positibo na lilipas din ang bagyong ito at sila ay makakabangon muli.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment