Thursday, September 17, 2020

Pinay Millionaire sa Texas, Reregaluhan ang mga Kapatid Matapos Isumbong kay Tulfo ang mga ito


Nais lamang ng Pinay Multi-Millionaire sa Texas, USA na si Daisy Wells na makausap ang kanyang nanay sa Pilipinas na siyam na buwan na raw niyang hindi nakakausap dahil sa kanyang mga kapatid.

Dahil umano ito sa kagagawan ng kanyang nagseselos na mga kapatid kaya wala nang nagawa pa si Daisy kundi idulog kay Tulfo ang problema niya ito.

Emosyonal na dumulog si Daisy kay Tulfo mula pa sa ibang bansa at isinaad ang ginawa umanong pagtatago ng kanyang mga kapatid sa kanilang nanay na si Adeluisa Sanchez mula sa kanya dahil umano sa selos.

Kwento ni Daisy, nang minsang makausap niya umano ang kanyang nanay sa pamamagitan ng kanyang pamangkin, nabanggit umano nito na patago lamang sila pwedeng mag-usap at hindi ito pwedeng malaman ng kanyang mga kapatid partikular na si Elourde Sanchez.


Larawan galing sa Raffy Tulfo In Action

Nakatira umano ngayon ang kapatid niyang ito at ang kanyang nanay sa bahay na ipinagawa ni Wells para sa kanyang mga magulang sa Pilipinas. Kaya naman, may karapatan daw sana ito na palayasin sa naturang bahay ang nasabing kapatid niya ngunit, dahil sa kanyang nanay ay hindi niya ito magawa.

Ayon naman umano sa kapatid niyang si Elourde, ang naturang bahay ay pagmamay-ari raw ng kanilang tatay kaya mayroon silang karapatan na tumira pa rin doon.


Nagsisinungaling din umano si Daisy dahil ayon sa kanya, nakakausap naman daw umano nito ang kanilang nanay sa pamamagitan ng video call.

Ayon naman kay Daisy, bini-brain wash umano ng kanyang mga kapatid ang kanilang nanay. Kwento pa ulit nito, mayroon umanong isang pagkakataon na mayroong video ang ina na nakarating sa kanya.

Hindi umano nagustuhan ni Daisy ang nasa naturang video kung saan, makikita na iniiyakan umano ng kanyang nanay ang kanyang larawan habang mayroong nakasinding kandila sa gilid.


Larawan galing sa Raffy Tulfo In Action

Pagbabahagi pa ni Daisy, dahil marahil umano sa sobrang selos kaya pinalabas daw ng kanyang mga kapatid sa kanilang ina na pumanaw na si Daisy. Mayroon daw inggit sa kanya ang kanyang mga kapatid dahil sa nakamit niyang maginhawang buhay.

Ayon naman daw sa ina nina Daisy, biro lamang umano ang naturang video niya na iniiyakan ang larawan ng anak.

Kalaunan, pinagbati na lamang ni Tulfo sina Daisy at ang mga kapatid nito. Ani naman ni Elourde kay Tulfo, minsan umanong sinabi ni Daisy na bibilhan siya nito ng motor pero hindi nito ginawa.

Kaya naman, pangako ni Daisy ay bibilhan niya umano ng motor hindi lamang si Elourde kundi silang lahat o ang pitong niyang kapatid. Pamasko niya na umano ang mga ito sa kanila.

Larawan galing sa Raffy Tulfo In Action

Ikinatuwa naman ni Elourde ang naging pangako na ito sa kanila ni Daisy.

Ayon naman sa pulso ng mga netizen sa reklamong ito, sa tingin umano nila ay talagang na-brain wash umano ng mga kapatid ni Daisy ang kanilang nanay. Mabuti na lamang umano at mabuting tao si Daisy at pinairal pa rin nito ang pagiging mapagkumbaba.


Dagdag pa ng mga netizen, nararamdaman umano nila na mabuting tao si Daisy kaya hindi raw kataka-kataka ang mga biyayang natatanggap nito sa buhay. Naantig din ang mga ito sa panig ni Daisy na gusto lamang umano makausap at magkaroon ng komunikasyon sa kanyang nanay.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment