“Sila tanungin mo.”
Ito ang naging matalinghagang sagot ni Ruby Rodriguez nang misan itong natanong ng isang netizen tungkol sa kung kailan umano ito babalik sa noontime show na Eat Bulaga.
Maraming mga netizen ang nakapansin at nagtataka kung bakit hindi na umano napapanood sa programang Eat Bulaga si Ruby na regular host ng show sa loob ng ilang taon.
Sa Instagram, isang netizen ang nagbanggit nito kay Ruby at tinanong kung kailan o kung babalik pa ba umano ito sa programa. Ani pa dito ng naturang netizen,
“I miss you in Eat Bulaga Ms. Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K., Ryzza Mae nakaka-pitch in na pero ikaw wala! Ba’t ganon?”
Ang naging sagot naman dito ni Ruby na “Sila tanungin mo” ay nagbigay ng kalituhan at mga haka-haka sa publiko kung ano nga ba ang tunay na rason kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin sa Kapuso show si Ruby.
Hindi malinaw sa mga ito kung bakit ito umano ang naging sagot ng host at aktres sa naturang tanong.
Kung matatandaan, ilang buwan na ang nakakaraan nang umabsent mula sa Eat Bulaga si Ruby dahil sa nangyaring pagkakaospital nito. Dagdag pa rito ang nangyaring pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian kaya hindi agad nakabalik sa programa ang host.
Ito ang mga naging akala ng publiko kung bakit natagalan si Ruby sa pagbalik sa Eat Bulaga. Ngunit, hindi maiwasan ng mga ito na mapansing masyado nang matagal ang pagkawala nito lalo na’t bumalik na ulit sa regular ang show ang Eat Bulaga.
Ngayon ay mas pinaingay pa ni Ruby ang pagtatakang ito ng mga netizen dahil sa kanyang naging sagot sa tanong na iyon ng naturang netizen sa kanya.
Ani ng mga ito, baka raw ay mayroon pang ibang dahilan sa likod ng hindi pa pagbabalik ni Ruby sa programa kaya naging ganoon ang kanyang sagot.
Sa ngayon ay nasa ibang bansa ngayon ang host at kasama ang kanyang pamilya matapos ang mahigit sa anim na buwan na quarantine. Ibinahagi ni Ruby ang paglipad niyang ito sa US sa kanyang Instagram.
Heto naman ang ilan sa mga naging reaksyon o opinyon ng mga netizen tungkol sa hindi pa pagbabalik ni Ruby sa Eat Bulaga at sa umano’y maaaring dahilan nito:
“Ibabalik ‘yan kapag okay na at pwede nang marami sila sa set ng Eat Bulaga. Sa ngayon kasi may social distancing pa eh…”
“May something ‘yan pag ganyan sagot. Mean forever bring to end job… Hindi naman ganyan ang ang isasagot niya kung walang ibang rason. Kung walang ibang rason, sinabi niya dapat: I’m not yet ready. As simple as that. Pero ‘yung sabihin niyang “SILA TANUNGIN MO?" Iba ang dating.”
“3 na nga lang ang host mg EB… nawala pa si Paolo. Swak na swak pa naman tandem nila ni Jose…”
“Wala palang barka-barkada sa Eat Bulaga? After all these years, still not a family?”
“Parang imbis na ‘barkada, dumadami’, ngayon parang matitira nalang ang Tito, Vic, at Joey ah!”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment