Kumpirmadong hiwalay na ang aktor na si Buboy Villar sa kanyang karelasyon at live-in partner na si Angillyn Gorens. Ito ay ayon mismo sa nakababatang kapatid ni Angillyn na si Veybillyn Gorens.
Ayon sa ulat, parehong desisyon umano nina Buboy at Angillyn ang kanilang hiwalayan at nagkasundo ang mga ito na maging magulang na lamang sa kanilang mga anak na sina Vlanz Karollyn, 3, at George Michael, 1 taong gulang.
“Naghiwalay kami ni Buboy two years ago, pero tinray pa rin naman namin i-workout pero we both realized na it wasn’t working na talaga. So, mutual decision naman na maghiwalay kami at maging parents na lang sa mga anak namin,” pahayag pa ni Angillyn na isang American.
Bagama’t sinubukan umano nilang ayusin ang kanilang relasyon, mukhang mas nakabuti na rin umano ang kanilang paghihiwalay na pareho nilang sinang-ayunan.
Nasa Amerika ngayon si Angillyn, 22 taong gulang, dahil sa trabaho nito at para makapag-ipon na rin sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Kahit paano ay nag-uusap pa rin naman daw sila ni Buboy para sa kanilang mga anak.
“Bini-video call naman din niya [Buboy] ako kapag kasama niya mga anak namin. Kumbaga goods naman kami kahit na wala nang kami.
“Ako, patuloy lang nagwu-work dito sa US para sa mga kailangan din ng mga anak namin at saka makapag-ipon din dahil mag-aaral na rin si Vlanz,” pagkukwento pa ni Angillyn.
Sa Buboy naman, 21 taong gulang, ay nasa Pilipinas ngayon at gumagawa ng content para sa kanyang vlog.
Kaugnay naman sa kanilang mga anak, maayos umano ang kanilang usapan ni Buboy bilang mga magulang ng mga ito. Pwede umano nitong kunin ang mga anak mula sa mga magulang ni Angillyn kahit kailan nito gusto.
Parehong desisyon din daw nila ni Buboy kung bakit nasa mga magulang ni Angillyn ang kanilang mga anak ngayon.
“Feeling ko, mas naging okay naman both sides. Arrangement namin sa mga anak namin is pwede niya dalawin anytime, or kunin sa bahay sila Vlanz at George. Marami nagtatanong sa akin at sa vlog ni Buboy kung bakit sa bahay nakatira yung mga anak namin…
“Ang dahilan dun is dati kasi nagti-taping si Buboy halos araw-araw. Hindi niya rin maaalagaan mga anak namin, at sa bahay naman nila maraming batang inaalagaan mama ni Buboy. So we both decided sa bahay na lang yung mga anak namin dahil maaalagaan naman sila mabuti nila Mama at Papa,” ani ulit ni Angillyn.
Kahit hiwalay na, siniguro ng dalawa na maayos ang relasyon nila sa kanya-kanyang pamilya. Sa katunayan, nagpapasalamat umano sila sa mga ito sa pag-aalaga nila sa kanilang mga anak. Pahayag pa nito,
“Sobrang thankful kaming dalawa ni Buboy sa parents ko kasi sobrang spoiled at alaga sila. Sobrang goods din ni Buboy at ng parents ko kaya wala namang problema.”
Kung matatandaan, pinag-usapan noong taong 2016 nang mapabalita na nagli-live in na si Buboy at ang girlfriend nitong si Angillyn. Labimpitong taong gulang pa lamang si Buboy noon.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment