Trending ngayon sa Facebook ang video ng pagsugod na ito ng isang misis sa umano’y kabit ng kanyang asawa.
Sa naturang video, makikita ang tapang ng misis sa pagsugod sa naturang kalaguyo ng mister na natagpuan nito sa loob ng isang banyo. Dito, walang pag-aalinlangan na pinagsusuntok at pinagsasampal ng misis ang naturang babae habang minumura.
Walang mukhang maiharap ang naturang kabit sa legal na misis at walang kalaban-laban habang pinagsasasampal siya nito. Napaupo na lamang ang umano’y kalaguyo sa sahig ng banyo dahil sa pagsugod sa kanya ng misis.
Paulit-ulit nitong minura ang babae dahil sa pagpatol umano nito sa kanyang mister kahit alam niya umanong mayroon itong asawa at pamilya. Dagdag pa ng misis, alam umano nito ang ginagawang kataksilan ng kanyang asawa sa tuwing pumupunta ito sa nasabing kabit.
Dinuro-duro niya pa ito habang idinidiin ang pagiging kabit umano nito ng mister na hindi nito maiwan-iwan dahil sa ginagawa nilang mali sa likod niya. Hinila pa nito ang buhok ng kabit habang pinipilit itong paupuin at tumingin sa kanya.
“Piste ka. Animal kang dako. Yawa ka! Kabalo kang minyo. Ayaw pagkuan na wa kay sala kay sala kay kabalo kang minyo,” pauli-ulit pang ani ng legal na asawa sa kalaguyo ng mister.
[Walanghiya ka. Hayop ka. Demonyo ka! Alam mong kasal. Wag kang magmaang-maangan na wala kang kasalanan dahil alam mong kasal siya.]
“Pangita mo’g di minyo og di mo gusto makulatahan! Lami kayka o, hamis kaayo ka pero bayaran. Diba? Tagaan ka’g kwarta, tagaan ka’g karne sa akong bana!,” dagdag diin pa ng misis sa babae.
[Humanap ka ng hindi kasal kung ayaw mong mabugbog! Maganda ka, ang kinis-kinis mo pero bayaran. Diba? Binigyan ka ng pera, binigyan ka ng karne ng asawa ko!]
Wala namang nagawa ang mga naroon sa naturang bahay sa ginawang pagsugod ng legal na misis sa umano’y kabit ng asawa nito.
Agad naman na naging trending sa Facebook ang video ng pangyayari kung saan, hati ang naging opinyon ng mga netizen.
Bagama’t maaari umanong nagkasala talaga ang naturang babae na sinugod, hindi umano tama ang pananakit na ginawa ng misis dito at maaari pa umano itong maireklamo dahil sa pisikal nitong pananakit.
Mayroon din umanong kaukulang proseso para mapatunayan kung totoo ngang kabit ito ng kanyang asawa at hindi ito sa pamamagitan ng dahas.
Dagdag pa nga ng iba, ang kanyang mister dapat ang pinagtuunan nito ng galit dahil may kasalanan din ito bilang ito ang pumatol sa babae o kabit nito. Hindi lang umano dapat ang naturang babae sa video ang binugbog nito kundi pati ang kanyang mister.
“Seeing everything here all I can say is that she must not hurt the mistress because it could be used against her. She already said herself that there is a witness so why bother hurting the mistress wherein the first place she could have taken legal actions already.
“Sometimes we must not indulge ourselves in anger and I do not commend the one who has taken the video because what's the point of broadcasting it online? They have proven how low a person they could be. Just let the law handle everything and keep your "class",” makahulugang komento pa nga rito ng isang netizen.
Panoorin ang buong video dito! >>> Kabit VS Legal Misis
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment