Kasabay ng umano’y babala na natanggap ni Liza Soberano mula kay Lt.. Gen. Antonio Parlade Jr. dahil sa ugnayan daw nito sa Gabriela Youth, nabanggit din nito ang pangalan ni Catriona Gray at binigyan din niya ito ng kaparehong babala.
Si Parlade ay ang kasalukuyang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Mayroong naging sagot o pahayag si Gray tungkol sa babalang ito sa kanya na putulin ang kanyang koneksyon sa grupong Gabriela na tinitingnan ng militar na umano’y parte ng isang ‘terrorist organization’.
Sa Instagram, sa kabila ng babalang ito ay nagbahagi ng mensahe si Gray kung saan, idiniin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tinig o ang pagsasalita hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa iba. Saad nito,
“Please don't ever allow your voice to be silenced. You never know who's life may be impacted by your words. You never know who you'll help feel seen, courageous or comforted. When you speak up for yourself, know that in sharing your stories, you're speaking up for others too.”
Nitong nakaraang mga araw, ikinabahala ng marami sa social media ang umano’y red-tagging kina Soberano at Gray sa isang pahayag na inilabas ni Parlade.
Dito, bagama’t isinaad ni Parlade na hindi parte ng NPA si Soberano at nagsasalita lamang ito para sa adbokasiya ng women’s right, binigyan niya ito ng babala na putulin na ang kanyang koneksyon mula sa grupong Gabriella. Parehong babala rin ang ibinagay nito kay Gray.
Kapag hindi raw ito ginawa ng aktres at ni Gray, maaari umano nitong maranasan ang sinapit ni Josephine Anne Lapira na former Deputy Secretary General ng Gabriela Youth sa UP-Manila.
Bago ito, si Soberano ay naimbitahang maging isa sa mga speaker ng ginanap na webinar ng grupong Gabriela, ang ‘Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Girl Child’.
Heto ang mensahe o babala na inilabas ni Parlade para kina Soberano at Gray:
“Let us not red-tag Liza Soberano. It's not fair to her. She is merely supporting advocacy for women's rights. She has to be protected in the exercise of her rights. Is she an NPA? No, of course not. Not yet. So let's help educate her and the other celebrity targets of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), the Underground Mass Organization hiding under Gabriela Women's Party.
“So, Rep. Arlene Brosas and Gabriela, shame on you if you haven’t informed your recruits about your hidden violent agenda.
“Liza Soberano, there' s still a chance to abdicate that group. If you don't, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira @ELLA, former Deputy Secretary General of Gabriela Youth of UP, Manila and defender of women's rights, even against sexual predators amongst her comrades in the NPA unit she joined which is clearly stated in her handwritten letter addressed to a certain @EMIL,
“It’s a pity she learned about non sense things like nabbing a firearm, exploitation while already inside the underground. It was too late, she is dead.
“The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don't follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment