Patok na patok ngayon sa social media ng paggawa ng mga Tiktok videos at pakikisali sa mga challenge sa Tiktok. Kadalasan ay hindi lamang simpleng pagsayaw ang ginagawa ng mga tinatawag na ‘tiktoker’ at umaabot pa ng ilang oras o araw ang paggawa nila ng isang Tiktok video.
Ang ilan sa mga kakaibang Tiktok videos na ito ay nagtetrending at umaani ng milyon milyong views na agad namang ginagaya rin ng karamihan.
Ngunit, kakaiba ang ginagawa ng tiktoker na ito mula Vietnam. Hindi kagaya ng karamihan na pinaghihirapan ang kanilang mga Tiktok videos bago makakuha ng libo-libo o milyong views, ang lalaking ito ay walang ibang ginagawa kundi tumingin lamang sa kamera.
Sa pagtingin lamang ni Anh Tran Tan sa kamera sa buong Tiktok video, umaani lang naman ang Vietnamese Tiktoker na ito ng milyon-milyong views sa bawat Tiktok video na kanyang ibinahagi.
Walang ka-edit edit ang mga videos na ito ni Anh maliban na lamang sa inilalagay nitong musika sa backgound. Kung minsan ay nakaupo ito habang tumitingin sa kamera. Minsan rin ay nakaupo naman ito ngunit tumititig lang din sa kamera.
Kung minsab oa nga ay kahit madilim sa paligid at nakatitig lamang siya sa kamera ay umaani pa rin ng milyon ang kanyang Tiktok video.
Dahil sa mga ito kaya sumikat sa Tiktok si Anh. Sa katunayan, maliban sa milyon-milyong views na nakukuha nito sa kanyang mga Tiktok video, umani na rin ito ng mahigit sa 350 000 lang naman na bilang ng mga followers.
Ibinahagi ni Anh ang kanyang unang video sa Tiktok nito lamang Setyembre at mula rito ay umani na ang naturang video ng mahigit sa limang milyong views lang naman.
Ang most viewed Tiktok video naman ng tiktoker ay umani na ng mahigit sa nakakalulang 10 million views lang naman.
Kung ang karamihan ay pinaghihirapan at pangarap lamang na makatanggap ng ganyan ka rami ng views, kay Anh ay wala itong kahirap-hirap. Hindi na nito kailangang subukan pa ang pinakamahirap na dance choreography sa Tiktok para lamang umani ng maraming followers at views.
Tinalo at linagpasan lang naman nito ang views ng ilan sa mga pinakasikat na tiktokers kaya naman marami ng naaaliw sa kakaibang content na ito ni Anh sa Tiktok.
Ang Tiktok ay isa ngayon sa pinasikat na social networking site na kinahihiligan ng marami. Isa itong Chinese video sharing scocial networking service na pagmamay-ari ng ByteDance.
Sa Pilipinas, hindi lamang mga ordinaryong netizen ang nahuhumaling sa Tiktok kundi pati na rin ang mga celebrity. Madalas ay inaabangan ng karamihan ang mga Tiktok video na ito ng mga artista na agad umaani ng maraming views.
Mas dumami pa ang nahumaling sa Tiktok nitong nagkaroon ng lockdown dahil isa ito sa pinagkaabalahan ng karamihan habang wala masyadong nagagawa dahil sa pananatili sa bahay. Naging solusyon ang app na ito sa pagkabagot ng karamihan habang hindi pa pinapayagan ang paglabas ng bahay. Kanya kanyang gawa ng video ang mga netizens na karamihan ay tungkol sa mga nauusong Tiktok challenge.
Source: whereinbacolod
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment