Sunday, October 25, 2020

Nakakatawang Larawan ng mga Bata Habang Tulog ang Kanilang Nanay, Kinaaliwan ng mga Netizen


Hndi malaman ng nanay na ito kung matatawa ba raw siya o magagalit sa pinaggagawa ng kanyang mga anak habang siya ay tulog. Sa mga larawan na kanyang ibinahagi, makikita na pinagtripan lang naman ng mga bata ang kanilang tulog na nanay.

Trending ngayon sa social media ang ibinahaging Facebook post ng isang Ruzlie kung saan, makikita ang nakakatawang larawan ng kanyang mga anak at ang ginawa ng mga ito sa kanya habang siya ay natutulog. 

Sa naturang mga larawan, walang kaalam-alam ang tulog na netizen habang pinaglalaruan ng kanyang mga anak ang feeding bottle na ipinatong ng mga ito sa mukha ng kanilang nanay. Sa isang larawan ay makikita pa na animo’y umiinom mula sa feeding bottle ang kanilang natutulog na nanay. Kita naman sa ilang mga larawan ang natatawa niyang mga anak dahil sa kanilang ginawa. 

“Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa na lang sa mga pinag gagawa ng mga anak ko , pag tripan ka ba naman ng panganay mo (KOBE) habang natutulog , Kasabwat pa yung bunso (KANDREI) jusmeee,” ani pa nga rito ng netizen.

Agad naman na naging trending ang Facebook post na ito ni Ruzlie at umani ng libo libong mga reaksyon at shares. Sa katunayan, nasa mahigit 90 000 na ang naaani nitong mga reaksyon mula sa mga netizen habang nasa mahigit 63 000 naman ang mga shares nito.

Karamihan sa mga reaksyon ng mga netizen ay natawa sa Facebook post ni Ruzlie. Natatawang ani pa ng mga ito, sa susunod daw ay huwag hahayaang mahuli ang mga anak sa pagtulog.


Kahit na pinagtripan umano ng mga ito ang kanilang nanay, marami naman ang hindi mapigilang matawa sa mga cute na cute na mga batang ito. Ani pa nga ng ilan, mukhang ang saya umanong magkaroon ng mga anak na kahit makulit ay nakakawala naman ng stress.


Katulad ng netizen ay mayroon ding mga nanay na nakaka-relate sa ganitong ginagawa ng mga anak o bata sa kanilang magulang. Ani ng mga ito, minsan ay mas nauuna rin daw silang matulog sa tuwing pinapatulog nila ang kanilang mga anak.

Maliban dito, mayroon ding ilan na nakapansin sa ganda umano ng netizen kahit natutulog ito sa naturang mga larawan. Biro pa nga ng ilan, sana raw ay ganun din sila kaganda kait natutulog silang nakanganga.

Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa viral Facebook post na to:

“Parang tinesting niyo pa kung magigising talaga si Mama niyo ah.”

“Pag sa mga anak ko yan, baka binato dede sa muka ko. Di talaga ko papatulugin, minsan pa bigla maglalanding sa muka o katawan ko. HAHAHAHHAHAHA.”

“Infairness gandaaaa parin ni mommy habang tulog… sana all maganda ‘pag tulog na nakanganga pa hahaha.” 


“Hahaha malamang may pinagmahan ‘to sa kakulitan niya.”

“Kita sa pagkakangiti niya na masaya siya sa ginagawa niya hahahaha.”

“Lagot ka mamaya kay mama mo. Pero pa cute ka muna.”

“Halatang ‘yung panganay ang pasimuno, nakakaloko ngiti e. Mukhang inosente ‘yung pangalawa.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment