Sunday, October 18, 2020

Dalawang Netizen, Nagkasagutan Dahil sa Paghihiraman nila ng ‘BRACE’!


Trending ngayon sa social media ang naging bangayan ng dalawang netizens na ito na nag-ugat sa paghihiraman nila ng ‘brace’.

Ayon sa netizen na nagbahagi ng naturang Facebook post, hindi umano niya magawa ang mga ‘Tiktok challenges’ dahil wala itong suot na brace. Hiniram umano ito sa kanya ng isang kaibigan ngunit ilang araw na ang lumipas ay hindi niya pa ito ibinabalik.

Ilang beses niya na umano itong mine-message ngunit, hindi umano siya nito sinasagot. Kailangan niya umano ang kanyang braces para sa Tiktok kaya kailangan na itong maibalik sa kanya. Dagdag pa nito, pinag-ipunan niya pa raw ang ipinambili dito na Php 2500.

Kaya naman, dahil hindi pa rin pinapansin ng kaibigan ang kanyang mga chat, ipinost niya ito sa Facebook para mapansin nito. Ngunit, ito pa umano ang nagalit sa kanya dahil sa ibinahagi niyang Facebook post.



“Pila na ka tiktok challenge ang nacancel kay wala ako braces!!!! NANG HULAM KA LANG IKAW PA AKIG! IPABARANGAY TA KA HULATA!,” galit pang ani ng naturang netizen.

[Ilang tiktok challenge na ang nacancel dahil wala akong braces!!!! NANGHIRAM KA LANG IKAW PA GALIT! IPAPABARANGAY KITA MAGHINTAY KA LANG!]


Ayon sa kaibigan nito na nanghiram ng brace, plano na umano nito na ibalik ang kanyang braces ngunit bakit kailangan niya pa raw nitong ipost sa Facebook. Banat niya pa rito, porket nagpa-brace na rin daw ng ngipin si Ivana Alawi sa vlog nito ay binabawi na agad nito sa kanya ang hiniram niyang braces.

Agad naman na naging trending ang bangayan na ito ng dalawang netizen. Marami sa mga ito ang natawa sa pinag-awayan ng dalawa at nagtaka rin kung paano umano nahihiram ang brace.

Karamihang tanong pa nga ng mga ito, pwede raw palang ipahiram ng isang tao ang kanyang braces. Natatawa umano ang mga ito sa isiping naghihiraman ng brace ang dalawa.


Paliwanag ng ilan, baka raw ‘fashion braces’ ang tinutukoy ng dalawa at hindi ang karaniwang brace dahil hindi umano ito basta-basta natatanggal at naipapahiram. Gayunpaman, hindi pa rin umano tama na maghiraman ng braces.

Sa kabila ng mga biruang ito tungkol sa pinag-awayan ng dalawa, mayroong iba na hindi napigilang ipahayag na nandidiri umano sila sa isiping pinapahiram ng isang tao ang kanyang brace. Gayunpaman, tinawanan na lang din ito ng mga netizen.

Sa ngayon, ayon sa nasabing netizen na nagbahagi ng Facebook post ay naibalik na raw sa kanya ang kanyang braces. Sa katunayan, naisuot niya na raw ulit ang mga ito. Dagdag pa nito, dahil naibalik na sa kanya ang brace ay pwede na raw siya ulit mag-Tiktok.


“OKAY NA GUYSSS NABALIK NIYA NA ANG BRACES KO. SUKSOK KO NA HAHAHAHAHA PWEDE NA KO KA TIKTOK,” saad pa nito kasama ng isang larawan niya suot ang tinutukoy niyang braces.

Sa ngayon, ang trending Facebook post na ito ng nasabing netizen ay umani na ng halos limang libong reaksyon sa mga netizen. Lagpas 10 000 naman ang bilang ng mga shares nito at patuloy pa ring dumarami.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment