Bukod sa dismayado ang netizen na ito dahil sa kinalabasan ng cake na kanyang inorder, hindi rin nito nagustuhan ang inasta at naging sagot sa kanya ng gumawa ng naturang cake.
Ayon sa netizen na ito, umorder siya ng fondant cake sa kapatid ng kanyang kakilala sa pag-aakalang magagawan siya nito ng maayos na cake at masusunod ang disenyo na kanyang inaasahan.
Base sa kanilang pag-uusap, sumang-ayon sa kanya ang gagawa ng fondant cake sa disenyong Mickey Mouse at sa halagang PHP 1500. Tinanong pa siya nito kung anong flavor ang kanyang gusto at nagkasundo rin sila sa flavor na ‘rainbow cake’.
Maayos ang kanilang naging usapan hanggang sa araw na kukunin niya na ang inorder na cake. Unang-una pa lamang, hiningan na siya nito ng ‘delivery fee’ ngunit tumanggi ang netizen dahil hindi naman idineliver ang cake at sinundo nila ito.
Nang dumating na sa netizen ang cake na kanyang inorder, nagulat na lamang ito nang makita na malayong-malayo ang disenyo nito sa inaasahan niyang magiging kalabasan sana ng cake. Bukod dito ay natunaw na rin umano ang ilang bahagi ng icing na ginamit dito.
Ayon sa netizen, maiintindihan niya naman daw kung hindi nito magaya ang ipinapagawa niyang disenyo. Ngunit, ang hindi niya umano maintindihan ay kung bakit pati lasa nito ay malayong-malayo rin sa kanyang inaasahan.
Paglalarawan pa ng naturang netizen, hindi niya umano maintindihan ang lasa nito na animo’y maasim at maalat. Maliban dito, matigas din umanong kainin ang naturang cake. Ani pa nito, mukhang pinaglaruan lamang ang paggawa ng nasabing cake at hindi gawa ng isang propesyunal.
Marami raw ang makakapagpatunay na ganito nga ang lasa ng nasabing cake kaya wala itong rason na gumawa ng kwento o magsinungaling.
Dahil sa nangyaring ito sa kanyang inorder na cake, pinakiusapan ng netizen ang gumawa nito na kung pwede ay babaan na lamang nito ang presyo. Isinaad niya rin dito ng maayos ang kanyang mga reklamo sa cake ngunit, ito pa ang siyang nagalit sa netizen.
Hanggang sa binlock na nito ang nasabing netizen matapos niyang magreklamo sa cake. Hindi pa nito tinigilan ang netizen dahil ang kapatid nito na kapitbahay niya lamang ay inaway din siya dahil sa ginawa umano nito sa kanyang kapatid.
Ipinipilit nito na walang problema sa ginawang cake ng kapatid at kung tutuusin, mahal umano ang bentahan ng naturang cake sa ibang bansa.
Dagdag pa nito, ang nasabing netizen lamang umano ang naging kliyente ng kanyang kapatid na maraming naging reklamo sa gawa nito. Ipinagtanggol nito ang kapatid at hindi naniniwala na hindi masarap ang gawa nitong cake.
Base sa naging komento ng mga netizen, maging ang mga ito ay hindi rin nagustuhan ang mala-expectation vs. reality na kinalabasan ng inorder na cake ng netizen. Base sa dalawang larawan ng cake na ibinahagi ng netizen, sang-ayon ang mga ito na malayo nga sa inaasahan ang dapat ay kinalabasan ng naturang cake.
Tingnan ang mga larawang ito rito at kayo na ang bahalang humusga:
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment