Marami ang nagulat nang maging viral ang open letter na ito ng isa umanong dating matalik na kaibigan ng aktres na si Ivana Alawi.
Sa naturang open letter, maliban sa pagbabahagi ng kanilang pagkakaibigan dati ni Ivana na umano’y naglaho nalang bigla nang sumikat na raw ito, mayroon ding mga ibinulgar ang kaibigang ito ni Ivana.
Ani dito ng naturang kaibigan daw ng aktres, noong hindi pa sikat si Ivana, o Maria sa totoong pangalan, kasama niya raw ito sa pangangarap ni Ivana na maging sikat. Noon pa lamang umano ay pangarap na talaga nito na pumasok sa showbiz at ito rin umano ang bread winner ng kanilang pamilya.
Bilang patunay sa naging pagkakaibigan nilang ito, may mga larawan itong ibinahagi kung saan magkasama sila sa mga gala at kung minsan ay kasama pa nila sa larawan ng nakababatang kapatid ni Ivana na si Mona.
Hanggang isang araw umano ay tumawag sa kanya si Ivana at ibinahagi ang balita na naka-condo na ito. Matapos nito, mayroon pa itong inilahad tungkol naman sa pagbabago sa katawan ng aktres.
“Ilang araw lang lumipas, tumawag uli si Maria. Kinabahan na naman ako hala… nag paboobs na. Sabi ko pa, pano? Nakatulog lang ako? Hmmn… So go na naman ako sa lungga niya, sleep over galore.
“Nasundan pa nagpa veneers ang loka. Pero dahil lagi siya niloloko ni tita na parang anlaki daw ng ipin niya so kamalaunan pinaulit niya,” pagbabahagi pa nito.
Matapos umano ang mga pagbabagong ito sa katawan ni Ivana ay unti-unti nang nagkaroon ng katuparan ang pangarap nito na maging artista sa pagkapasok nito sa iba’t-ibang mga programa.
Sa bawat tagumpay umano noon ni Ivana sa tuwing unti-unti nang natutupad ang kanyang pangarap ay siya umano ang isa sa mga unang sinasabihan ng aktres at kasama din ito sa bawat selebrasyon ni Ivana.
Ngunit, bigla na lamang umanong nagbago ang aktres at hindi na nagparamdam sa kanila noong naging ganap na itong sikat. Ayon sa kaibigan umanong ito ni Ivana, hindi niya umano malaman bakit ito nangyari.
Una umano siya nitong in-unfollow hanggang sa tuluyan na umano siyang binlock ni Ivana noong nagsimula na itong gumawa ng vlog.
“Don’t get me wrong. I am proud of your achievements but I am not proud of who you become.
“Walang masama mag Iva-na for the better. Pero walang explanation bigla ka lang naglaho, nagbago, nawala, hindi nagparamdam? Feeling ko na-Bea Alonzo ako… (ghosting eh) Di ka pa nakontento, namblock ka pa para sigurado.
“Ganun ba kababaw ang friendship mo sa bawat isa na na naging kaibigan mo na hindi taga-industriya? Feeling ko who you na kaming lahat, bakit?,” ang naging mabigat pang mga pahayag nito para kay Ivana.
Dagdag mensahe pa ng kaibigan umanong ito ng aktres, hindi niya umano intensyon na umagaw ng atensyon sa publiko. Ito lamang umano kasi ng naisip niyang paraan para makausap ang dati niyang kaibigan.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment