Sa isang Instagram post nito lamang unang araw ng Oktubre, ibinahagi ng aktres at komedyanteng si Chariz Solomon na isinilang na nito ang kanyang ikatlong anak.
Sa naturang larawan na ibinahagi nito, makikita ang kanyang partner na si Vince Teotico na karga-karga ang kanilang bagong silang na baby habang nanonood ng NBA Finals sa pagitan ng LA Lakers at Miami Heat.
“Game 1. LAL-MIA,” kaswal na caption pa nga rito ni Charziz.
Agad naman na bumuhos ang mga pagbati para sa Kapuso aktres mula sa mga kaibigan at pamilya nito sa loob at labas ng showbiz. Isa nga sa mga unang bumati kay Chariz ay ang kanyang mga kapwa celebrity moms tulad nina LJ Reyes, Dianne Medina, Pauline Luna, Iya Villania, Camille Prats, at Yasmien Kurdi.
Maliban dito, nagbahagi ulit si Chariz ng isa pang larawan nito kung saan, makikitang nakahiga naman ito sa hospital bed habang karga ang anak.
“DiaFIERCE,” caption pa nga ni Chariz dito.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ng mga netizen ang suot ditong diaper ni Chariz. Kaya naman, maliban sa pagbati, pinuri rin ng mga ito ang aktres dahil sa pagiging totoo umano nito.
Bago pa man umano husgahan ng iba si Chariz, pinagtanggol na ito ng kanyang mga kapwa nanay na alam kung bakit nakadiaper ang aktres matapos manganak. Kahit na nakadiaper umano ito at walang ayos ang mukha, maganda pa rin naman daw ang komedyante.
Heto pa ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen tungkol dito:
“Iba din Mommy Chariz Solomon! So brave and beautiful! Walang halong echos sa katawan.”
“Proud mother!!!! Congrats. ‘Yung iba diaper agad ang nakita, hindi ‘yung pagiging PROUD MOTHER ni Chariz.”
“Congrats po. By the way, lahat po ng nanganganak ay naka diaper. Not unless sa bahay ka lang nanganak. Hands up sayo, Chariz Solomon.”
“Ganito talaga ‘pag bagong panganak. Sa mga nega d’yan, be a mother muna bago niyo siya husgahan. Tignan natin hahaha.”
Nitong Agosto lamang inanunsyo ni Chriz ang tungkol sa pagbubuntis niyang ito. Inanunsyo niya ito sa kanyang ika-31 na kaarawan at nasa ikawalong buwan na siya rito ng pagbubuntis.
“It’s still a SUPER.HAPPY.BIRTHDAY.,” pagbabahagi pa nga rito ni Chariz.
Bagama’t nagulat ang mga netizen sa anunsyong ito ni Chariz, ikinatuwa rin naman ng mga ito ang bagong biyaya sa buhay ng komedyante at inabangan ang kanyang panganganak.
Dito, nagbahagi din si Chariz ng mga larawan mula sa kanyang maternity shoot kung saan, kahit buntis ay pinuri ng mga netizen ang pagiging sexy pa rin umano ng komedyante.
Maliban sa bagong baby niyang ito, mayroon pang dalawang naunang anak si Chariz. Ito ay ang cute na cute na sina Apollo at Ali. Anak niya ang mga ito sa kanyang dating asawa na si Nestor Ng, isang businessman.
Si Chariz ay isa sa mga pinakakilalang komedyante sa bansa at isa sa pinakatanyag sa Kapuso network. Maliban sa regular na paglabas nito sa programang ‘Pepito Manaloto’, bahagi din ito ng comedy show na ‘Bubble Gang’.
Si Chariz ay kapatid ng dating PBB Housemates at kambal na sina Fourth at Fifth Pagotan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment