Mayroong babalang iniwan ang mga eksperto tungkol sa maaaring dulot daw ng ilang mga halaman na hindi alam ng karamihan ay toxic o delikado sa kalusugan ng tao.
Mula nang maipatupad ang quarantine sa maraming parte ng bansa, isa sa pinagkaabalahan ng mga tao habang nasa mga bahay ang pag-aalaga at pagkokolekta ng mga halaman. Ngunit, dapat umanong malaman ng mga ito na mayroong mga halaman na natural na nagtataglay ng toxins.
“Dapat nating maintindihan na ang mga substances na ito na nililikha ng mga halaman ay parte ng kanilang natural na sistema para protektahan ang kanilang sarili,” pahayag pa ng plant researcher na si Kristiane De Villa.
Isa nga sa pinaka pangkaraniwang halaman na kinahiligang alagaan ng marami nitong quarantine ay ang tinatawag na Pothos o “Devil’s Ivy”. Ngunit, ayon sa babala ng mga eksperto, ang partikular na halamang ito ay isa sa mga halamang nagtataglay ng toxins.
Kapag aksidenteng naputol umano ang anumang parte ng halamang ito, humahalo ang mga toxins nito sa katas ng halaman. Kaya naman, kapag nahawakan ang naturang parte ng halaman na nahaluan ng toxins, nagdudulot umano ito ng pamumula at pangangati sa kamay ng tao.
Ayon sa pag-aaral, ito ay dahil mayroong nakitang tinatawag na mga ‘raphides’ sa halamang Pothos. Ang mga raphides na ito ay kabilang sa mga uri ng calcium oxilates na isang uri naman ng toxin.
“Based on the researches, sila ‘yung mas nakakairita sa sistema ng hayop o ng tao. Kasi ‘yung structure nila, since para silang mga karayom, kapag sila ay na-ingest o nag-accumulate sa tissues, sila ‘yung parang tumutusok-tusok dun sa tissues,” paliwanag pa ulit ni De Villa.
Ito umano ang dahilan kung bakit namamaga ang bahagi ng kamay na dumadampi sa parte ng Pothos na nahaluan ng toxins lalo na kapag naputol ang isang bahagi nito.
Maliban sa pamamaga at pangangati ng kamay, kapag ang toxins mula sa Pothos ay umabot na rin umano sa bibig, nagdudulot na rin ito rito ng hindi birong pananakit at pamamaga. Gayunpaman, hindi naman umano ito nagdudulot ng seryosong peligro.
Mayroong ibinahaging paraan ang mga eksperto upang agad na matanggal ang toxins o mga raphides na ito sa kamay ng tao. Unang-unang gawin ay huwag daw kamutin ang parte na nakahawak ng toxins o katas ng halamang Pothos.
Nakakatulong din daw ang paghuhugas ng sabon sa kamay sa running water at paghuhugas nito sa maligamgam na temperatura ng tubig.
Ngunit, malaking tulong umano para lubusan itong maiwasan ay ang pagpapaalam sa ibang miyembro ng pamilya na mayroong toxins ang ilang mga halaman tulad ng Pothos. Sa ganitong paraan, mas nag-iingat ang mga ito na huwag paglaruan o basta-bastang pumutol ng parte ng halaman.
“Generally naman, itong mga raphides na ito, once ito ay mag-accumulate sa tao, hindi naman ito magpopose ng threat… ng serious threat. But basically, pwede naman itong tanggalin.
“Maganda na iniinform din ‘yung family members of the possibilities of exposure. So, ‘huwag lalaruin ‘yung halaman. Huwag dudurugin ‘yung mga dahon kasi that could release the raphides from plants,” saad pa nga ni De Villa.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment