Friday, October 16, 2020

Edited Photos ni Denise Laurel Kasama ang Isang Korean Actor, Trending sa mga Netizens


Halos lahat ng nga sa bansa ay nahuhumaling sa mga Korean actors na napapanood sa mga sikat na Korean Drama. Maging ang mga artista ay hindi na rin nakaligtas sa karisma ng mga Korean actors na ito at naging masugid na ring tagasuporta.

Naging katuwaan na nga sa mga K-drama fans ang umano’y pag-’pila’ nilang mga tagahanga sa iba’t-ibang mga Korean actors. Madalas sa sinasabihan nilang ‘pumila’ ay ang mga celebrity na umano’y kahit sikat, kailangan pa ring pumila ng maayos.

Naging katuwaan na rin ng mga ito ang kanya-kanyang pag-eedit ng kanilang mga mukha sa mga larawan ng kanilang ini-idolong K-drama actors.

Isa sa mga artistang ito na bukas sa kanyang paghanga sa isang Korean actor ay si Denise Laurel. Sa kanyang Instagram account, nakisali na rin ito sa trending at nagbahagi ng ilang mga larawan kung saan, in-edit niya rin ang kanyang mukha sa ilang mga larawan ng aktor.

Nilagyan niya pa ito ng mga hashtags na #SEONISE at #JOONISE habang tinatanong ang mga netizens kung bagay raw ba sila ng aktor.

“Bagay ba kami Hahahahaha love me some @bn_sj2013 #saranghae… In fairness sa editing skills babe ha thanks hahaha. I love him hahahahah and the new dream in life is to meet him.

“I have watched everything he has ever done even variety or reality tv cameos haha can’t wait for his new show! #preciousheartsromancessaranghae lol,” caption pa dito ni Denise.


Mayroon pa itong isang larawan ng aktor pagkabata kung saan, in-edit niya rin ang kanyang baby photo. Bentang-benta ito sa mga netizens dahil ani pa nila, mukhang hindi umano edited ang larawan at masyadong ginalingan ni Denise.


Marami naman ang natawa sa ginawang ito ni Denise at sinuportahan ang aktres. Ngunit, naging tumpulan din ito ng katuwaan ng mga fans na pumila umano ang aktres sa pagsuporta sa aktor.

Biro pa nga ng ilang mga netizens,

“mahaba ang pila mars walang arti-artista dito, dun ka sa likod…”

“Mareng @d_laurel pumila ka sa likod dahil lahat po tayo ay mabibigyan.”

Sa sumunod na mga IG posts ng aktres, mas naging fangirl pa ang dating nito sa dami ng mga edited photos nila ni Park Seo Joon na kanyang ibinahagi. Bentang-benta naman ito sa mga netizens na natuwa at nakakarelate sa pagiging fan ni Denise ng isang Korean actor.

Ngunit, sa IG posts niya ito, mayroon naging opinyon si Denise tungkol sa umano’y ‘pilahan’ na nangyayari. Bagama’t biruan lamang ito para sa mga fans, ayon kay Denise ay hindi umano dapat pilahan ang nangyayari kundi isang group hug. Ani pa dito ng aktres,

“PILA IS OVERRATED CRABMENTALITY Is SOO Late 80s so PANIS NEW NORMAL MORE LOVE AROUND THE BETTER! SELFISH IS THE NEW UGLY hahahahaha if u the new ugly u can pila urself on ur own out of my profile lol…


“Basta i love everyone that appreciates his artistry it’s DEFINITELY OKAY TO LAUGH N BE SILLY! ITS NOT A PILA ITS A GROUP HUG! Nakakatanderz Yung selfishness:) #walanguuwi #nakakahawaangnegadisease #dontbeugly”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment