Friday, October 16, 2020

Tiktok Dance Cover ng Isang Pinay Model, Ni-Repost ni Justin Biber sa Instagram!

Maraming mga netizens ang nagulat at naintriga sa Pinay model na ito kung saan, ang kanyang Tiktok video ay ni-repost lang naman ng international singer na si Justin Bieber sa kanya mismong Instagram account.

Ito ay ang Tiktok dance cover ng Filipina na si Jamina Cruz. Sinayaw nito sa naturang Tiktok video ang bagong kanta ni Justin na ‘Come Around Me’. Ang Tiktok entry ni Jamina sa kantang ito ang isa sa mga napiling i-repost ng singer sa kanyang IG account.

Ang kantang ‘Come Around Me’ ay kabilang sa album ni Justin na ‘Changes’. Ito rin ang nagpasimuno sa #ComeAroundMeChallenge sa social media. Si Justin mismo ay ginawa ang challenge ng ilang beses sa kanyang bahay.

Kaya naman, regular din ang panonood ni Justin ng iba pang mga entries sa challenge na ito na nire-repost niya sa kanyang IG account. Sa ngayon, ang Tiktok dance cover ni Jamina sa naturang challenge ay umani na ng mahigit sa dalawang milyong views mula nang irepost ito ni Justin sa IG.

Marami naman ang natuwa nang makita ang video na ito ni Jamina sa IG ni Justin. Dito, kabi-kabila ang pahayag ng mga netizens, lalong lalo na ang mga Pilipino, kung gaano umano kaswerte ang Pilipina at napansin ito ng singer.

Maliban dito, marami din ang nakapansin sa ganda ng Pinay na talagang hinangaan ng marami. Mayroon ding mga nakakilala kay Jamina at binati ito dahil nirepost ni Justine ang kanyang video sa IG mismo ng singer.

Naging viral agad ang pagrerepost na ito ni Justin sa Tiktok video ni Jamina. Alam ng marami na hinahangaan ang singer ng miyun-milyong fans nito sa buong mundo kaya hindi raw biro ang mapansin ng isang Justin Bieber. Sa katunayan, ang International singer ang isa sa mga personalidad na may pinakamalaking fanbase sa buong mundo.

Gayunpaman, sa kabila ng kasikatang ito ni Justin, kilala rin ang singer bilang mapagmahal sa kanyang mga fans at sa pagpapahalaga niya sa mga ito.

Reaksyon pa ng ilan tungkol dito,

“This girl is from the Philippines... so lucky!!!”

“Imagine if ur tik tok is here and u’r like...Justin SAW IT!!! Like BRUH.”

Maliban sa pagiging isang modelo, isa ring vlogger, at social media influencer si Jamina. Hindi naman ito kataka-taka dahil sa taglay nitong ganda. Bahagi rin si Jamina ng Star Magic at dumalo pa nga dati sa naganap na Black Magic Halloween Ball noong 2019.

Kasali din ngayon si Jamina sa modeling agency na Primastella management. Ang modeling agency na ito ang siya ring humawak sa karera ng mga sikat na modelong sina Kelley Day at ng Asia’s Next Top Model season 5 winner na si Maureen Wroblewitz.

Sa kabila nito, ang morena beauty ay 20 taong gulang pa lamang at isang interior design student.

Si Justin Biber, 26, ay isang Canadian Singer-Songwriter na unang nadiscover noong 13 taong gulang pa lamang ito ng talent manager na si Scooter Braun. Sa kanyang unang debute album noong 2009, ito ang hinirang na kauna-unhang singer na nagkaroon ng pitong kanta mula sa kanyang debut album sa Billboard Hot 100.

Source: pinoytrendz

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment