Sa tuwing mayroong kaarawan o espesyal na okasyon, pangkaraniwan at tradisyunal na ang paghahanda ng cake. Naging katuwaan na rin sa mga okasyong ito ang paglalaro sa cake o di kaya ay ang pabirong paglulublob ng mukha sa cake.
Ngunit, alam mo ba na maaaring maging delikado sa isang tao ang hindi sinasadyang paglulublob ng mukha rito?
Ito ay ayon sa isang viral post sa Faecbook kung saan, nauwi sa aksidente o pagkakasugat ang ginawang pagtulak ng mukha ng tao sa isang cake.
Dahil ito sa nakatagong kahoy o stick na siyang nagsisilbing suporta sa cake lalo na’t masyado na itong mataas.
Kapag hindi ito alam ng isang tao at naging katuwaan na nito ang paglalaro sa cake kagaya ng paglalagay nito sa mukha ng ibang tao, maaaring masugutan ang mukha ng naturang tao dahil sa mga stick na nasa loob ng cake.
“This picture is dedicated to all those who like to push the bday boy/girl’s face onto the cake. Sometimes they build the cake too high therefore it needs the wooden sticks to hold as support. So after seeing this picture I hope you think twice before doing it,” ang babala pa nga sa naturang viral post.
Bagama’t mayroong iba na may alam tungkol sa paglalagay ng stick sa ilang mga cake bilang suporta, mayroon pa ring iba lalong lalo na sa mga bata na hindi ito alam.
Kaya bilang pag-iingat, sundin ang babala sa naturang Facebook post at huwag basta-basta na magbatuhan ng cake sa mukha ng isa’t-isa, kahit na ito ay katuwaan lamang.
Umani naman agad ng iba’t-ibang komento ang naturang Facebook post matapos nitong maging viral. Dito, mayroong iba na sumang-ayon sa naturang babala at sinabing tama rin naman ito dahil hindi dapat na pinaglalaruan ang pagkain.
Mayroon ding iba na pinagkatuwaan lamang ang Facebook post at sinabing hindi sila naniniwala sa aksidente na maaaring idulot ng isang simpleng cake.
Heto pa ang ilan sa naging komento ng mga netizen sa naturang viral Facebook post:
“I guess those ppl who play such pranks are not considerate enough to know the birthday boy/girl will not be happy with the cake on their faces lol. Some think it's smart and funny to do it on someone else cos they get everyone else to laugh.”
“Pushing a child’s face into a cake is child abuse anyway...some ‘traditions’ should end. Along with the bridal cake mess, very passive aggressive!”
“I always wondered why people like shoving the celebrants face into the cake that was supposed to be eaten by everyone.”
“No matter what is in the picture or the position of the stick, the message clearly says to be careful and think twice before making fun of it.”
“Having stick or not in it, it's still not proper to smash food on someone's face. Just think the effort those bakers put on it to be that presentable. U think that's cute? That’s gross and sticky…”
Source: elitenewsportal
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment