Viral ngayon sa Tiktok ang ibinahaging video rito ni John Rovy Abella Singalawan tungkol sa kakaiba at praktikal na paraan ng kanyang ama upang magkaroon siya ng soundproof na room sa kanilang bahay sa San Miguel, Bulacan.
Bilang isang call center agent, mahalaga para sa 23 taong gulang na si Singalawan ang magkaroon ng tahimik at walang istorbong paligid. Ngunit, dahil nga sa ‘work from home’ na set-up ngayon dahil sa pandemya, hindi maiiwasan ang iba’t-ibang mga ingay habang nagtatrabaho sa bahay.
Kaya naman, upang kahit papaano ay mabawasan ang mga nakaka-istorbong ingay habang nagtatrabaho si Singalawan, naisipan ng kanyang tatay na gumamit ng mga egg tray para magkaroon ng ‘makeshift soundproof room’ para sa anak sa kanilang bahay.
Sa isang maliit na silid sa kanilang tahanan, dinikitan nito ang lahat ng dingding ng eggtray para kahit paano ay maging soundproof ang silid.
Pagkukwento kasi ni Singalawan, sa tuwing nagtatrabaho umano siya, madalas ay rinig niya ang iba’t-ibang mga ingay mula sa kapitbahay, mga tahol ng aso, at maging ang tilaok ng mga manok. Kahit nasa ‘graveyard shift’ ang trabaho nito ay problema pa rin ito Singalawan.
“Sobrang creative nyan si papa and sobrang solid po sa kasipagan and all,” pagbabahagi pa ng call center agent tungkol sa ginawa ng ama.
Sa pagkakaroon niya ng makeshift soundproof room, handa na si Singalawan sa kanyang trabaho at kompleto na rin ang mga kagamitan ng kailangan nito. Sa ngayon, umabot na sa halos tatlong milyong views lang naman ang naaani ng Tiktok video na ito ni Singalawan.
Dito, umani ng iba’t-ibang papuri si Singalawan lalong lalo na para sa kanyang tatay. Marami ang naantig sa ginawang ito ng kanyang tatay dahil hindi umano lahat ng ama ay sinusuportahan ang anak.
Marami din ang umano’y nakaka-relate sa naging problema ni Singalawan habang nagwo-work from home. Sa ginawa nito, nagkaroon na rin umano sila ng ideya para kahit papaano ay mabawasan ang ingay na kanilang pinoproblema.
Gayunpaman, mayroon pa ring iba na mayroong puna sa paraan na ito ng paggamit nina Singalawan ng egg tray. Ayon sa ilan, maaaring hindi umano ito epektibo at ang mas malala pa, pamamahayan lamang umano ito ng mga ipis dahil sa materyal ng egg tray.
Sa kabila ng mga negatibong komento na ito, nangingibabaw pa rin naman ang mga papuri para sa pagiging malikhain ni Singalawan at ng kanyang tatay.
Heto pa ang ilan sa mga komentong ibinahagi ng mga netizen tungkol dito:
“Ayan ang literal na kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Kudos kay tatay for being so innovative & creative. Imbes na umangal, ginawan ng paraan.”
“It may not be effective, but the maximum effort tatay is giving? Priceless parin.”
“Yan ang magulang na sumusuporta sa anak. Hindi ‘yung nag-aantay lang ng sahod.”
“Atleast mahal na mahal ng tatay ang anak. Nag effort. ibang tatay walang pakialam sa anak. Salute to tatay.”
“Galing. Para paraan. Nakakasama nga naman nasa gitna ng video call may bubusina, titilaok manok, may mag vivideoke, at mag-aaway mga pusa sa bubong.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment