Kilala ang aktres na si Ellen Adarna na hindi inuurungan ang kanyang mga bashers sa social media na walang pagdadalawang isip niyang sinasagot.
Kamakailan nga lang, isang basher na naman ni Ellen ang sinupalpal nito matapos nitong punahin at tawaging lakwatsera umano ang aktres. Dagdag pa nito, umaasta umanong dalaga si Ellen.
“Dalaga ghorl? Ka laagan ba,” ani pa ng netizen na ito.
[“Dalaga ghorl? Ang lakwatsera naman.”]
Dahil sa mapanghusgang komentong ito ng naturang netizen tungkol kay Ellen, hindi napigilan ng aktres na sagutin ang pahayag nito sa kanya.
Dito, tinawag ni Ellen ang naturang basher na ‘ignorante’ dahil sa mapanghusgang komento nito sa kanya. Ani pa nito, dalaga man daw o hindi, kailangan ng isang tao ang ‘break’ o pahinga.
Sagot pa dito ni Ellen sa wikang bisaya,
“Nanu man ghorl na mura ug boy or boy na mura ug ‘ghorl’ (wako kasabot unsaon ka ug address kai naglibog kog babaye baka or laki)...
“First, this is my life and 2nd, ma dalaga or not, people need a break. Ayaw kaayo ipa claro imong ka ignorante ghorl na murag boy… ngil-ad.”
[“Bakit naman ghorl na parang boy or boy na parang ‘ghorl’ (hindi ko mainitindihan kung paano ka i-address kasi naguguluhan ako kung babae ka ba or lalaki)...
[“First, this is my life and 2nd, ma dalaga or not, people need a break. Huwag mong masyadong ipahalata ang iyong pagiging ignorante ghorl na parang boy… ang pangit.”]
Ang mapanghusgang komentong ito ng netizen kay Ellen ay nangyari matapos ang sunod-sunod na pagbabahagi ng aktres ng kanyang pamamasyal sa iba’t-ibang lugar sa Cebu.
Isa sa mga ito ay ang ginawang yoga at pag-eehersisyo ni Ellen, kasama ang kanyang mga pinsan na sina Mia at Mika Adarna, sa sikat na Temple of Leah sa Cebu. Ang tourist spot na ito ay pagmamay-ari ng pamilya ni Ellen.
Maliban dito, ibinahagi din ng aktres ang ginawang pagtuklas at pagsi-swimming nito sa isang tagong ilog sa isang kagubatan sa Cebu.
Makikita ngayon sa mga Instagram posts ni Ellen na ini-enjoy nito ang pamamasyal sa iba’t-ibang lugar at pag-eehersisyo.
Madalas din na nakikita sa kanyang mga IG stories ang dawalang taong gulang niya nang anak na si Elias Modesto. Si Elias ang anak ni Ellen sa dati nitong karelasyon na si John Lloyd Cruz.
Kung matatandaan, parehong nagpahinga mula sa showbiz sina Ellen at John Lloyd halos tatlong taon na ang nakakaraaan.
Ngayon, kahit hiwalay na ang dalawa, nagkakasundo umano ang mga ito sa kanilang co-parenting sa kanilang anak. Ito ang dahilan kung bakit ilang beses na namataan ang aktor sa Cebu kung saan galing at nakatira si Ellen.
Bagama’t mayroon nang mga ugong-ugong sa nalalapit na pagbabalik umano sa showbiz ni John Lloyd, si Ellen naman ay sinabing mas pagtutuunan niya muna ng pansin ngayon ang paglaki ng kanyang anak.
Hands-on umano ngayon si Ellen sa pag-aalaga sa anak kaya wala muna itong balak na bumalik sa industriya ng showbiz.
“I don't want to say, like, forever, right? But definitely, not in the next seven years… I want to be with my son in his formative years. I'm a very hands-on mom,” saad pa nito sa isang panayam.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment