Malungkot na kinumpirma ng Miss Universe Philippines candidate na si Maria Isabela Galeria ang balita na nag-positibo ito sa Covid-19. Ibinahagi niya ang anunsyong ito sa isang Instagram post nito lamang Linggo, ika-27 ng Setyembre.
Si Galeria ay ang nagrerepresenta sa probinsya ng Sorsogon sa prestihiyosong pageant na ito na nakatakdang maganap ang grand coronation sa ika-25 ng Oktubre.
“Hello everyone, With so much sadness in my heart, I regret to inform you that I tested positive for COVID-19 rtPCR. This news breaks my heart deeply and I apologize if ever I put you at risk.
“We followed and did all the safety precautions to safeguard from the infection, however it still found us,” pagbabahagi pa ni Galeria.
Ayon sa kandidata, naka-isolate na umano ito ngayon at sumasailalaim na sa quarantine. Ang lahat umano ng nakasalamuha nito sa pageant ay lumabas na negatibo sa COVID-19.
Gayunpaman, nanawagan pa rin sa Galeria sa iba pang mga nakasalamuha nito na makipag-uganyan sa kinauukulan upang makasiguro na hindi nahawa ang mga ito sa kanya.
Humingi din ito ng tawad sa nangyari at humingi ng panalangin mula sa kanyang mga tagasuporta.
“I have spoken with those that I saw recently. My team, my MUP sisters and those I had close contact with in Manila all tested Negative. I am in isolation and quarantined now.
“I ask whoever came into close contact with me to please inform your City/Municipal Health Officers and their team to check on your condition. Hoping that I did not pass on to you the virus. I am truly, deeply sorry…
“Kindly find it in your hearts to include me and my family in your prayers,” dagdag pahayag pa nito.
Isang buwan bago ang magaganap na grand coronation ng Miss Unvierse Philippines, marami ang umaasa na agad makarecover si Galeria at makapag-participate sa pageant.
Agad naman na nagpaabot dito ng mensahe ang kanyang mga kasama sa pageant para palakasin ang kanyang loob. Umaasa rin ang mga ito na makakasama nila si Galeria sa grand coronation ng MUP.
Sa ngayon, ayon sa ulat ay kasali pa rin naman si Galeria sa mga opisyal na kandidata ng MUP kaya maaari pa itong magcompete dito. Pahayag pa nga ng creative director ng nasabing pageant na si Jonas Gaffud tungkol kay Galeria,
“Sa October 8 magti-test pa siya uli, e. If negative na siya, puwede na siya uli.”
Si Galeria na 22 taong gulang ngayon ay isang registered nurse at kilala bilang kandidata na malapit kay Heart Evangelista. Sinuportahan ito ng aktres kahit noong sumali rin ito sa Binibining Pilipinas kung saan, nakapasok ito sa Top 15.
Isa si Galeria sa 50 kandidata na maglalaban-laban para sa prestihiyosong Miss Universe Philippines crown. Isa ito sa maituturing na early favorites ng mga fan at isa sa mga pinaka inaabangan ng karamihan.
Sa kabila ng pagsubok ng pandemya ay tuloy pa rin ang prestihiyosong pageant ayon sa mga nag-oorganisa nito. Nakatakda itong mapanood sa ika-25 ng Oktubre sa GMA-7.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment