Sunday, October 18, 2020

Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla Nalang Umanong Nabuntis ang Babaeng Ito

Isang dalaga mula sa Zamboanga del Sur ang umano’y mayroong kakaibang kaso ng pagbubuntis. Ayon kasi sa babaeng ito, hindi niya pa naranasang makipagtalik ngunit, nabuntis ito nang dahil sa paliligo niya sa swimming pool.

Ang kakaibang kwento na ito ng nasabing babae ay agad na nagtrending at kumuha sa atensyon ng mga netizen. Minsan pa nga, mayroong naipalabas na episode ang programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ na parehong-pareho ang pangyayari sa kwento ng nasabing dalaga. Dahil nga mukhang imposible, marami ang naguluhan kung papano umano ito maaaring nangyari.

Ayon sa 22 taong gulang na si Joy, minsan umano itong naligo sa isang public swimming pool bago biglaang nabuntis. Hinala ng dalaga ay dito nanggaling ang sperm na pumasok sa kanya kaya siya nabuntis.

Kinabahan umano ang dalaga nang hindi ito nagkaroon ng buwanang dalaw sa loob ng ilang buwan. Dahil dito kaya niya naisipan na kumonsulta sa doktor. Ngunit, sa kanyang pagkonsulta, isang nakakabiglang balita ang ipinaabot sa kanya ng doktor.

Nangdadalang tao umano ang dalaga. 

Hindi naging maganda para kay Joy ang balitang ito lalo na’t hindi niya alam kung paano ito nangyari. Bagama’t mayroong boyfriend o karelasyon, idiniin umano nito na walang nangyari sa kanila para siya ay mabuntis.

Gayunpaman, kahit naguguluhan sa kanyang pagbubuntis, wala na itong nagawa kundi ipagpatuloy ang panganganak sa bata. Matapos ng siyam na buwan, isinilang ni Joy noong ika-22 ng Hunyo si baby Sittie Hannah.

Dahil sa kakaibang kaso na ito ng pagbubuntis ng dalaga, naging usap-usapan umano ito sa kanilang lugar. Ayon naman kay Joy, malaki ang paniniwala nito na ang paliligo niya sa isang public swimming pool kung saan mayroong sperm na pumasok sa kanya ang dahilan ng nangyari rito.

Ngunit, ayon sa paliwanag ng isang OB specialist, imposible umano ang sinasabi ni Joy na dahilan ng pagbubuntis nito. Hindi umano matagal na nabubuhay ang sperm ng lalaki lalong lalo na sa swimming pool dahil sa chlorine dito.

Pareho rin ang naging reaksyon ng karamihan na nakabasa sa kwentong ito ni Joy. Kahit hindi pa umano swimming pool at sa tubig lamang, hindi umano nabubuhay ang sperm ng lalaki at agad namamatay.

Kaya naman, ang sinasabi ng dalaga na dahilan ng kanyang pagbubuntis ay napaka-imposible umano. Siguradong hindi umano ito dahil sa isinasaad niyang dahilan.

Ilan nga sa mga nakapanood sa nasabing episode ng KMJS na may parehong pangyayari sa kwento ni Joy ay sinasabing imposible talaga ang sinasabi nito at baka raw mayroong ibang dahilan kaya hindi nito alam ang totoong nangyari.

Ilang komento pa nga rito ng mga netizen,

“Swimming pool? E pagkakatanda ko tinuro ng teacher namin mabilis daw mamatay ang sperm.”

“DNA testing is one of the solutions.”

“You cannot fool those students who listened in their Biology class.”

“Sperm doesn't live for long, most specially in water. They're very sensitive!”

“I’ve worked in a laboratory for an internship and I learned from it na hindi mabubuhay ang sperms outside the human body… cannot live it lalo na if may halo.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment