Saturday, October 10, 2020

Foreigner na Nagpakasal sa Isang Pinay, Humihingi ng Tulong Matapos Palayasin ng Pinay na Umubos din sa Kanyang Pera


Walang kapera-pera at nais na lamang ng Danish National na si Holger Solager na umuwi sa kanyang bansa matapos ang kanyang sinapit sa isang Pinay na ginamit at niloko lamang siya.

Ayon sa Facebook post ng isang netizen, matapos umanong magpakasal ni Solager sa isang Pinay na nakilala niya sa isang online dating site, nagsimula na ang hindi magandang pangyayari sa kanya.

Pumunta umano sa Pilipinas si Solager para pakasalan ang babaeng kanyang napusuan sa online dating site. Nagpunta ito sa North Cotabato kung saan tagaroon ang babae at naganap na nga doon ang kanilang kasalan.

Sa kanilang pagsasama, nagpatayo umano ng bahay si Solager sa bansa ngunit kalaunan, napag-alaman nito na hindi nakapangalan sa kanya ang bahay. 

Matapos lamang ang isang taon, inubos din umano ng Pilipina ang kanyang pera at nang wala nang naiwan pang pera sa kanya, pinalayas daw siya nito.

Stranded ngayon si Solager sa airport matapos maiwan ng kanyang flight papuntang Denmark. Hindi naman ulit ito makalipad dahil hindi pa ito nakakapa-swab test at wala ring travel pass. Wala namang magawa si Solager dahil kahit piso ay walang-wala na umano ito.

Ang malungkot pa rito ay naranasan din ni Solager na matulog sa kalsada matapos na hindi siya pakinggan ng embassy na kanyang nilapitan. Hihingi sana raw siya ng tulong dito ngunit pinalabas lamang siya ng tanggapan.

Pinagtangkaan din umano siyang nakawan ng ilang mga bata na lumapit sa kanya sa airport. Pinahiram umano siya ng mga ito ng tablet ngunit, iba pala ang pakay ng mga ito sa kanya.



Viral naman ngayon sa Fcebook ang nangyaring ito kay Solager at marami ang nagbabakasakali na mayroong tumulong dito. Nais din ng marami na maipaabot umano kay Raffy Tulfo ang kalagayan ni Solager upang matulugan ito sa kanyang sitwasyon.

Hindi naman maiwasan ng mga netizen na manggalaiti sa Pilipina na nang-iwan sa foreigner. Ikinakahiya umano ng mga ito ang ginawang panlalamang ng Pinay para lamang kunan ng pera ang kawawang foreigner.

Ang mga babaeng katulad umano ng naturang Pinay ang dahilan kung bakit nababahiran ng hindi maganda ang tingin ng ibang bansa sa mga kababaihan sa Pilipinas. Hindi naman umano lahat ng Pilipina ay ganito ngunit dahil sa mga manlolokong tao ay naaapektuhan ang imahe ng karamihan sa mga Pilipina.

Komento pa nga ng ilan sa mga netizen,


“Kawawa naman. Kahit ibang lahi siya, sana po di po ginanyan. Napaka walang puso naman ng babae. Kawawa din naman ang ibang Pinay, damay sa ginawa ng babae.”

“Dito nasisira ang image ng Pilipina. Kaya tuloy pati matitino nadadamay.”

“Sana matulungan ‘tong kawawang tao na makauwi sa bansa nila at sana mahuli ‘yung babae at nang mabigyan ng leksyon.”


“Sira na nman ang bansa natin sa kaggawan ng mga taong mapagsamantala.”

“Kaya hindi din natin masisi ang mga kano kung bakit ang iba ay hindi maganda ang tingin sa’tin kasi may mga Pinay na ganyan. Girl sa ginawa mo, makarma ka sana.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment