Saturday, October 10, 2020

Kiray Celis, Bentang-benta sa mga Netizen ang Banat sa Ex ng Boyfriend na Nanloko rito Dati


‘Savage’ kung ‘savage’ daw ang naging banat na ito ng aktes na si Kiray Celis sa dating karelasyon ng kanyang boyfriend na nanloko rito dati.

Sa isang Instagram post, sunod-sunod ang naging pasaring ni Kiray sa naturang ex ng kasalukuyang boyfriend sa pamamagitan ng kanyang mga hashtag. Ani rito ni Kiray, ito umano ang nagloko ngunit ito pa daw ang naging pa-victim.

Naging sarkastiko pa rito ang aktres at sinabing dahil umano sa pagloloko nito dati ay masaya sila ngayon ng kasalukuyan niyang boyfriend. Ito ay ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Buong pahayag pa ni Kiray sa naturang IG post,

“Salamat sa ex mong hindi nakuntento at hindi marunong magpahalaga. Tayo tuloy ngayon yung pinakamasaya! Hihihi… #ExNaMgaPaVictim #HindiMakapagMoveOn #IkawNagloko #KayaMagsisiKaHangatSaGustoMo #UmilagKa #KasiSabiMoSaKwentoMoMabaitKa

“BUWAHAHAHAHAHA ANO PA KULANG SA MGA HASHTAG KO?Eme!”

Naagaw naman ng IG post na ito ni Kiray ang atensyon ng mga netizen. Bentang-benta sa mga ito ang pagiging prangka umano ng aktres sa naturang pahayag. 

“Lupit ng caption plus hashtag. Savage na savage ahh idol Kiray,” ani pa ng isang netizen tungkol dito.

“ANG BENTA NITO HAHAHAHAHAHA… Madaming ganito sa panahon ngayon,” dagdag ani pa ng ilang netizen.


Kamakailan lang, sa isang IG post na ibinahagi naman ng boyfriend nito na si Stephan, mayroon itong nabanggit tungkol din sa umano’y naranasan niyang panloloko noon. Ani naman dito ng boyfriend ni Kiray, 

“BUTI NA LANG NILOKO AT SINAKTAN MO AKO NOON. SALAMAT NG MARAMI KASI NAKITA KO YUNG BABAENG SOBRANG MAHAL NA MAHAL KO NGAYON.”

Pareho namang hindi binanggit o pinangalanan ng dalawa kung sino ang tinutukoy nila rito na umano’y nanloko.

Sa IG account ni Kiray, hindi maikakaila ang kasayahan ngayon ang aktres kasama ang boyfriend niyang si Stephan. Madalas itong nagbabahagi ng larawan nilang dalawa at hindi niya itinatago sa publiko ang nararamdaman niya para rito.

“You can be in a relationship for two years and feel nothing. You can be in a relationship for 2 months and feel everything. Time is not a measure of quality, of infatuation or of love,” makahulugang ani pa ni Kiray sa isa sa mga unang larawan na ibinahagi nito kasama ang boyfriend.

Kahit sa unang buwan pa lamang ng kanilang relasyon, walang pinapalagpas na pagkakaton ang aktres para ihayag ang pagmamahal niya sa boyfriend. Ani pa rito ni Kiray,

“Yung kahit wala kayong ginagawa, masaya. Yung kahit wala kayong mapagusapan, masaya. Yung kahit isang ulam lang ang kainin, masaya. Kasi SAYO AKO MASAYA. IKAW ANG TUNAY NA DAHILAN KUNG BAKIT AKO MASAYA. IKAW.... KAYA MASAYA!”

Kung sa IG ni Kiray ay bukas na bukas ito sa pagbabahagi ng larawan kasama ang boyfriend, ganito rin naman ang huli kung saan, madalas din ay nagbabahagi ito ng larawan kasama ang aktres. 


Sa bagong pag-ibig na ito ng aktres, masaya para sa kanya ng mga netizen lalong lalo na ang kanyang mga tagahanga na hiling lagi ang kaligayahan ni Kiray. Masaya ang mga ito na nakikitang masaya si Kiray kasama ng boyfriend na si Stephan dahil ito naman umano ang mahalaga.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment