Kinaaliwan ng marami ang alagang pusa na ito ng netizen na si April Jean na naging viral kamakailan lang sa social media dahil sa bitbit nitong pera sa kanyang amo.
Ayon sa isang Fcebok post ng naturang netizen, nagulat na lamang umano siya nang pagkagising niya ay may bitbit ng Php 1000 ang kanyang pusa na si Kenzie. Inabot pa umano ito sa kanya ng alaga kaya naman gulat ito sa dalang pera ng pusa. Ang unang hinala niya umano rito ay ninakaw ng alaga ang nasabing pera.
“this morning i was so surprised when i saw my cat carrying something in his mouth and then he gave me this. nasabi ko agad ‘Hooyyyy kenzie san mo ninakaw to’,” kwento pa ni April Jean.
Kaya naman, agad daw tong nagtanong tanong sa mga kasama niya sa bahay kung sino ang nawalan ng isang libong piso ngunit hindi naman umano nawalan ng pera ang mga ito. Maging sa kanyang mga kapitbahay ay nagtanong din daw si April Jean ngunit wala ring nanakawan o nawalan ng isang libong piso sa mga ito.
Chineck niya na rin umano ang sariling kanyang pera ngunit hindi rin naman umano siya nawalan.
“Naka-vault din po mga wallet at pera ko,” saad pa nga ng netizen.
Kaya naman, pinagkatuwaan ng mga netizen ang pusang si Kenzie dahil sa umano’y pagiging mabuting alaga nito na nag-uuwi pa ng pera sa amo. Biro pa nga ng ilan, gusto din daw nilang magkaroon ng pusa na marunong tumingin kung anong pera ang may malaking halaga.
“Mine ko na po ‘yung pusa. Ito na yata ang mag-aahon sa akin sa kahirapan,” pabirong komento pa nga dito ng isang netizen.
Ani naman ng ilan, saan ba umano makakabili ng naturang pusa na pera ang dala sa kanila at hindi mga hinuli nitong insekto. Sa kanila nalang daw ibigay ng netizen ang pusa kapag ayaw na nito sa alaga.
Isang netizen naman ang nagkomento na baka raw gustong magpabili ng pusang si Kenzie ng vitamins at pagkain sa kanyang amo. Ani pa ng netizen na ito,
“Bili mo raw siya ng more food pa and vitamins.”
Ngunit, ayon kay April Jean ay hindi na raw kailangan dahil kumpleto naman sa pagkain at bitamina ang kanyang alaga. Tugon niya pa nga rito,
“Kumpleto po ‘yan sa cat food, treats, at supply.”
Ani naman ng ilan pa sa mga ito, baka raw tumutulong lang din si Kenzie na maghanapbuhay dahil alam nito na mahirap kumita ngayong pandemya. Maliban sa mga komentong ito, kabi-kabila pa ang mga nakakaaliw na pahayag ng mga netizen tungkol sa pusang si Kenzie.
Heto ang ilan sa mga komentong ito:
“Paalagaan ko po sayo mga pusa ko baka matuto din ng ganyan. Puro daga kasi inuuwi dito sa bahay.”
“Palabasin ko na rin kaya mga alaga ko baka uwian din ako ng ganyan.”
“Haha ibig sabihin niyan mahal ka ng pusa mo…”
“Sana all may pusang nagdadala ng ayuda haha.”
“Baka naman pwede pang mahiram siya? Kahit isang linggo lang po sana.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment