Friday, October 9, 2020

Bela Padilla, Ipinakilala na ang Boyfriend sa Instagram


Marami sa mga netizen ang natuwa at kinilig nang magbahagi ang aktres na si Bela Padilla ng larawan nito kasama ang boyfriend sa Instagram. Ito ang unang pagkakataon ng aktres na ipakilala ang boyfriend sa publiko.

“The one I met in St. Gallen,” makahulugang caption pa nga ni Bela sa kanilang mga larawan.

Ang caption na ito ay pamilyar sa publiko dahil sa pelikula ng aktres na ‘Meet Me In St. Gallen’ na kinunan sa Switzerland at kung saan nakasama nito ang aktor na si Carlo Aquino.

Kaya naman, pang-iintriga ng karamihan, nakialala ba raw nito ang nobyo habang ginagawa ang naturang pelikula. 

“Wait, you guys literally met in St. Gallen when you were filming the movie namesake? Cutieeeeeee,” pagtatanong pa nga ng isang netizen kay Bela.

Agad naman itong kinumpirma ng aktres na nakilala nga niya rito ang boyfriend. Dahilan ito para kiligan na naman ang mga netizen na abang-abang sa kanyang Instagram updates.

Naka-tag sa naturang Instagram post na ito ni Bella ang isang Norman Ben Bay. Sa comment section, mayroon pa itong pasimpleng “Hi love” para sa aktres.


“@bela mahal kita. Also my phone’s exploding,” natatawang dagdag pa nga ni Norman para sa girlfriend.

“hahahah nabulabog eh!” sagot naman dito ni Bela.

Agad din na inulan ng mga pagbati si Bela hindi lamang mula sa mga netizen at mga tagasuporta nito kundi pati na rin sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na tuwang tuwa para sa natagpuang pag-ibig ng aktres. Ayon sa mga ito, masayang masaya sila na makitang masaya na rin ngayon si Bela.

“Aba aba aba?!!! Paano na si lovejoy?!! Haha soo happy for you belat!!!!” saad pa nga ng aktres na si Arci Muñoz para sa kaibigan.

“but does he like poetry? So happy for you @bela,” komento naman dito ni Ana Abad Santos.

“waaaaaah sooo happy for u ate belskie,” ang ani naman para rito ni Loisa Andalio.

“Aw Bela!!! Is this the person you were talking to while we were in your taping van?! so kilig!!!!” ang saad naman dito ni Janeena Chan.

Mayroon namang naging pagkakaparehong opinyon ang mga netizen tungkol sa mukha ng boyfriend na ito ni Bela. Ayon sa mga netizen, kamukha umano ito ng international singer na si Harry Styles kung saan minsan na ring naging fangirl para rito si Bela.

Pansin pa nga rito ng ilang mga netizen:

“Is it just me or does he look like harry styles…

“HALA MAY HAWIG KAY HARRY!!!”

Bago ito, una nang nagbahagi si Bela ng isang larawan nito mula sa kanyang bakasyon sa Turkey. Sa naturang Instagram post, isinaad ni Bela na ang kanyang boyfriend ang kumuha sa natura niyang larawan. 


Komento naman ng boyfriend ni Bela sa larawan niyang ito,

“You are truly a professional when it comes to captions.”

“You truly are a professional at making me smile,” ang naging sagot naman dito ni Bela na talagang nagpakilig sa mga fans nito.

Huling naiugnay na pangalan kay Bela ay ang aktor na si Zanjoe Marudo noon pang 2018 ngunit, hindi kinumpirma ng mga ito na sila ay naging magkarelasyon.

Source: instagram

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment