Sunday, October 25, 2020

Miss Universe Top 16 Sandra Lemonon at Michele Gumabao, In-Unfollow nga ba si MUP Rabiya Mateo?

Kinoronahan na si Rabiya Mateo ng Ilo-ilo bilang bagong Miss Universe - Philippines 2020 nito lamang ika-25 ng Oktubre, 2020. Tinalo nito ang mahigit sa 40 iba pang kandidata na nagnanais din na masungkit ang prestihiyosong korona.

Si Rabiya ang kauna-unahang Miss Universe - Philippines sa ilalim ng bagong Miss Universe - Philippines organization sa pangunguna ni Shamcey Supsup-Lee, isa ring dating Miss Universe.

Ang ilan pa sa napasama sa Top 5 ay sina: 

First runner-up: Maria Ysabella Ysmael ng Parañaque

Second runner-up: Michele Gumabao ng Quezon City

Third runner-up: Pauline Amelinckx ng Bohol

Fourth runner-up: Kimberly Hakenson ng Cavite

Ngunit, sa pagtatapos ng telecast ng Miss Universe Philippines 2020, agad napansin ng mga netizen na in-unfollow umano ni Michele at Top 16 na si Sandra Lemonon si Rabiya sa Instagram.

Sa Twitter, kanya-kanyang labas agad ng opinyon ang mga netizen tungkol sa umano’y pag-unfollow na ito ng dalawa sa bagong Miss Universe at kung ano ang dahilan kung bakit nila ito ginawa.

“Visited Rabiya’s IG and guess what? Michele Gumabao and Sandra Lemonon just unfollowed her!!!” saad pa ng isang netizen na nakapansin nito.

Mas uminit pa ang tsismis tungkol sa maaaring dahilan nito nang hindi makita sa mga bagong larawan ng mga nanalo sa pageant si Michele. Sa isang bagong larawan ng mga MUP winners, si Michele lamang ang kasali sa top 5 na wala sa larawan.

Wala ring inilabas na pahayag ang mga kilalang pageant pages sa kung anong dahilan ng hindi pagdalo ni Michele dito.

Ngunit, pinaka naitriga ang marami nang maglabas ng mga misteryosong IG stories si Sandra na may kinalaman daw sa isang bagay na kanyang ibubunyag. Ani rito ni Sandra sa isa niyang IG story, 

“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts.”

Hindi pa rito natapos ang kanyang mga pahayag dahil pagkatapos tuluyang inanunsyo sa publiko kung sino ang nanalo sa prestihiyosong pageant, muli itong naglabas ng isa pang pahayag sa kanyang IG story.

“The truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real. Soon. Because we deserve justice.”

Dahil sa mga ginawang ito ni Sandra at Michele ay agad na naglabas ng pahayag ang ilang netizen at sinabing hindi lamang umano matanggap ng mga ito ang kanilang pagkatalo. Ani ng mga ito, kung totoong beauty queen sina Sandra, sana raw ay tanggapin nalang ng mga ito ang resulta.

Ngunit, mukhang mayroon ulit bagong pahayag si Sandra para sa mga taong ito na nagsasabing hindi niya raw matanggap ang kanyang pagkatalo. Ani ulit nito sa isang IG story,


“Get your tea. Accepeting defeat graciously is one of many mark of being a queen. But what you forgot to say Is that REAL queens Play FAIR, don’t CHEAT.”

Dahil sa mga sunod-sunod na mga pasaring na ito ni Sandra kaya marami ang naiintriga at abang-abang sa kung ano umano ang sinasabi nitong pasabog.

Sa kabilang banda, mayroon namang makahulugang pahayag na iniwan si MUP national director Shamcey Supsup sa Instagram. Ani nito,

“To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility -- these are the marks of a true QUEEN.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment