Thursday, October 8, 2020

Janine Berdin, May Banat sa mga Nambabatikos sa Kanyang Bagong Look: “Ang Masuya, Madeads!”


Hindi pinalampas ng ‘Tawag ng Tanghalan Season 2’ grandwinner na si Janine Berdin ang mga pambabatikos sa kanya ng ilang mga netizen dahil sa umano’y ginawa nitong pagbabago sa kanyang mukha.

Nito lamang ika-5 ng Oktubre, naging trending si Berdin dahil sa nakakagulat nitong ‘transformation’ ayon sa ilang mga bago nitong larawan. Una itong napansin ng mga netizen nang naging trending ang ilang larawan ng singer tungkol sa kanyang buhok.

Ngunit, mas natuon ang pansin ng mga ito sa mukha ni Berdin na umano’y ‘nagparetoke’.

“May kasabihan nga po sa bisaya na ‘Ang masuya madeads’ char hahaha. Yun po. Thank you!,” ang ani pa ni Berdin tungkol dito.

Ang literal na kahulugan ng kasabihang ito sa tagalog ay ‘Mamatay kayo sa inggit.’ Ganito katapang ang singer sa pagsagot sa kanyang mga bashers na walang magawa kundi manghusga ng kapwa.

Bagama’t hindi diretsahang kinumpirma ni Berdin ang napansin ng mga netizen na pagsailalim daw nito sa ‘plastic surgery’, bukas naman ito ng pag-usapan ang tungkol sa kanyang pagbabago. Saad pa nga nito sa isang panayam sa pep.ph,

“Siguro, what I’d like to say is that we shouldn’t be afraid of change. Especially when you feel like you’re stuck in a dark place, you shouldn’t just sit there and wait for your surroundings to change for you. And that if you love yourself, it doesn’t mean you won’t do anything to improve yourself… 

“Baliktad nga po. If you truly love yourself, you’ll take time and effort to be better. Let’s not be afraid to change ourselves for the better po. And let’s also not condemn change, kasi wala namang nagagawang mali.”



Bagama’t mayroong mga netizen na hindi naging maganda ang reaksyon sa umano’y ‘transformation’ na ito ni Berdin, mayroon namang iba na naging positibo at sinuportahan ang singer sa pagbabago rito.

Pinasalamatan naman ni Berdin ang mga taong ito na positibo ang naging pananaw sa ginawa niyang pagbabago. Sa isang panayam rito ni Darla Sauler, ani ni Berdin,

“I’m very flattered kasi ang gaganda ng compliments. Thank you guys I really appreciate it… Naging blooming po ako kasi hindi po ako natakot sa change... If there's something you don't like about yourself and you're not happy about it, then you can do something.”

Bago ang pagbabagong ito sa singer, inamin nito na naging ‘self-conscious’ siya noon. Ngunit, ngayon umano ay naging mas masaya na raw ito na siya namang pinakamahalaga.

“If there's something that you don't like about yourself and you're not happy about it, then you can do something. Do something to make yourself happy, kasi naku, you only live once nga, di ba?

“And now, when I look at my photos now, when I look at the videos I take, parang ang saya ko. Parang nakikita ko na ang saya ko lang, parang ang saya ko na sa sarili ko,” saad pa ulit ni Berdin.


Sa ngayon, ayon kay Berdin ay marami raw itong nagawang kanta nitong quarantine at hindi na ito makapaghintay pa na muling magperform para sa kanyang mga fans.

Source: philstar

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment