Thursday, October 8, 2020

Katuwaan nina James Yap, Belga, at Araña sa Instagram, Bentang-benta sa mga Netizen


Maraming mga netizens ang natawa sa kalokohan ng mga PBA players na sina James Yap, Beau Belga, at Ryan Araña sa isang video na ibinahagi ng mga ito sa Instagram nito lamang ikalawang araw ng Oktubre.

Dito, makikita ang kalokohan ng tatlo kung saan, animo’y mayroong sari-sari store sina Belga at Araña sa kanilang kwarto at bumibili rito si Yap.

“Checkout who's our 1st customer for #BelgaAraña sari-sari store. Thank you @jamesyap18 sa uulitin. Business is good @bigbeaubelga,” ani pa ni Araña tungkol dito.

Sa video, makikita si Yap na pumasok sa kwarto ng mga kasama. Saad dito ni Belga, mukhang ito umano ang una nilang customer sa kanilang tindahan. Hindi naman ito nagkamali dahil pagkapasok dito ni Yap, tinaong nito kung pwede raw ba siyang bumili ng sabon.

“Pwedeng pabili ng sabon? Sabong panlaba,” saad pa nga ni James.

Agad namang nag-ala negosyante rito si Belga habang pinapapili si Yap sa kanya raw mga paninda. Dito, makikita ang mala-sari sari store niyang set-up sa kanyang kawrto kung saan, mayroong nakasabit na mga instant coffee packs at mga sachet ng sabon.

Agad din itong nag-offer kay Yap kung gusto ba raw nito ng kanin na kasama rin daw sa kanyang mga paninda. Ngunit, sabon na raw ang napiling bilhin ni Yap.


Nang tanungin naman ni Yap kay Belga kung magkano ang presyo ng bibilhin nitong tingi-tinging sabon, mukha yatang nag-overprice ang Rain or Shine player dahil anito, sa anim na pirasong sachet ng sabon ay Php 350 daw ang presyong kanyang hinihingi. 

Sa kabila ng mahal na presyo, inabutan ito ni Yap ng buong Php 1000. “Keep the change” pa nga raw sabi rito ni Yap. Natawa na lamang si Belga sa iniabot na pera sa kanya ni Yap na kanya rin naamng tinanggap. Pabirong ani pa nga nito sa ibinayad ng ka-team mate,

“Sana ganito lahat ng bumibili sa akin!”

Natawa naman si Yap sa banat na ito ni Belga at agad binalikan ang perang ibinigay niya rito. Hiningi niya rito pabalik ang pera habang tawang-tawa rito ang mga kasama.

Bentang-benta naman sa mga netizen lalong lalo na sa kanilang mga tagasuporta ang katuwaang ito ng tatlo. Sa katunayan, umani na nga ng mahigit sa 30,000 views sa Instagram ang video na ito nina Belga.

Komento pa ng ilan sa mga ito:

“Beau nalimutan na yata ni James na online na ang bilihan ngayon. Dapat idedeliver mo na.”

“Haha! Baka kailngan niyo loading station idol iactivate natin sim card niyo. Hahaha!”

“Ihiwalay niyo po ‘yung detergent sa kape. Daily vlogs na ‘yan!”

“Mga siraulo talaga ‘tong mga ‘to hahahahahaha, sino pasimuno n’yan.”

“EWAN PERO TAWANG-TAWA TALAGA AKO DITO HAHAHAHA Business minded!”

“hahaha Langya laftrip kahapon pa ko natutuwa sa mini store niyo.”


Sina James Yap, Beau Belga, at Ryan Araña ay nasa parehong koponan ng Rain or Shine Elasto Painters. Sa susunod na Martes ang susunod na laro ng mga ito laban sa koponan ng San Miguel Beerman.

Source: gmanetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment