Tuesday, October 27, 2020

Lalaki, 21 Oras Nagbisikleta Mula Cavite Papuntang Pangasinan Upang Mapuntahan ang Niligawan

Trending ngayon sa social media ang ginawang ito ng isang lalaki na pagbibisikleta ng 21 oras lang naman para mapuntahan at makita ang babaeng kanyang nililigawan.

Mula Cavite ay 21 oras ang itinagal ng byahe ni John Paul Gatbonton papuntang Pangasinan kung saan nakatira ang babaeng nagpaibig sa kanya. Sinuong nito ang pagod, peligro, at ulan habang bumabyahe gamit lamang ang kanyang bisikleta.

Nakilala ng 21 anyos na binata ang babaeng niligawan nito online noon pang Enero. Para makita sa personal sa unang pagkakataon, nagtiyaga itong magpadyak upang tuluyan nang mapuntahan si Donna Ocomen, 21 anyos.

Tubong Nueva Ecija si John Paul ngunit sa Cavite ito nagtatrabaho. Nitong ika-10 ng Oktubre sinimulan ni John Paul ang kanyang byahe mula Cavite pauwing Nueva Ecija. Mula dito ay dumiretso na si John Paul papuntang Anda, Pangasinan kung saan nakatira si Donna.

Sa kabila ng bumuhos na ulan habang bumabyahe gamit ang kanyang biskleta, wala naman umanong ibang naging problema si John Paul. Ayon sa binata, kompleto rin ang mga dala niyang dokumento kaya walang naging problema sa mga dinaanan niyang checkpoint.

“Kasi po 'yun ang ginagamit ko sa trabaho, wala naman po akong motor. Nasiraan po ako pero okay lang naman po kasi may dala naman ako na pang-vulcanize,” kwento pa ni John Paul.

Nang tinanong naman kung bakit nagtiis ito sa naturang mahirap na byahe, ayon sa binata ay mahal niya ang nililgawan kaya nagsikap itong mapuntahan si Donna.

“Kasi po gusto ko po siya. Mahal ko po siya. Gusto ko po siyang makita. Tinangggap niya ako, inuunawa,” ani nito.


Hindi naman nasayang ang pagod ni John Paul dahil tuwang-tuwa si Donna na makita na sa unang pagkakataon ang nanliligaw rito. Ayon sa kwento ng dalawa, sa isang online group sila unang nagkakilala at mula rito ay nabuo na ang ligawan. 

Sa pagkikita nila sa unang pagkakataon, tuluyan na ring naging opisyal ang kanilang relasyon at sila’y opisyal nang magboyfriend-girlfriend.

“Sobrang masaya po kasi for the first time na-meet ko na po siya. Pero nu'ng papunta po siya dito sobrang kinakabahan po ako tsaka worried kasi umuulan po noon. Tapos hindi po siya nagcha-chat sa akin. Tapos bigla na lang po siyang dumating. Sobrang saya po,” ani naman ni Donna.

Sa ngayon, nananatili si John Paul sa bahay nina Donna habang naka-quarantine muna nang ilang araw. Si Donna naman ay nananatili muna sa boarding house dahil mayroong itong online class. Ayon kay Donna, gusto rin umano ni John Paul na pagtuunan muna nito ang kanyang pag-aaral.

Si John Paul naman ay muli na ring maghahanap ng trabaho pagkatapos ng pananatili niya sa Pangasinan. Isang buwan planong magtagal ni John Paul sa lugar upang makasama ang kanya na ngayong kasintahan na si Donna.

“After quarantine po niya mag-stay daw po siya dito ng one month pa. And uuwi po siya para maghanap ng trabaho. Samantalang ako po itutuloy ko po 'yung pag-aaral ko. Kasi mag-aral daw po muna ako sabi niya,” pagbabahagi pa nito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment