Sa isa mga pinakahuling pagharap ni Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo kung saan nito inireklamo ang komedyanteng si Tekla, mayroon itong naging hirit sa host tungkol daw sa isa nitong bayarin.
Ngayong hindi na nakatira si Michelle at ang kanyang pamilya sa condo ni Tekla, problema raw ng mga ito ang kanilang pambayad ng renta sa kanilang tinutuluyan. Ani pa nito,
“Eto nga po sana ang pakiusap ko sa inyo, sir. Kakapalan ko nalang sana ‘yung mukha ko, sir. Hihingi sana ako ng tulong kung pwede po sir matulungan niyo kami na mabayaran po yung bahay na tinutuluyan namin dahil magtatatlong buwan na po itong hindi nababayaran. Baka mapaalis napo kami dito.”
Pumayag naman si Tulfo sa hinihiling na ito ni Michelle na bayad sa tatlong buwan nilang renta. Sa katunayan, ginawa niya pa itong apat na buwan, maliban pa sa mga groceries daw na ipapadala niya kay Michelle.
Naghayag din si Tulfo na tutulungan si Michelle na ipaayos ang ngipin nito. Ayon kasi kay Michelle, hindi ito makahanap ng trabaho dahil hindi maayos ang kanyang ngipin. Kaya para makapagsimula ito, si Tulfo na ang bahalang tumulong kay Michelle na mapaayos ito.
Dagdag pa ni Michelle, upang mapatunayan na ito raw ang nasa tama ay naghamon ito na sasailalim siya sa drug test. Ito ay sa kabila ng mga alegasyon sa kanya ng maraming mga nakakilala raw sa kanyang tunay na pagkatao at baho.
Sa kabilang banda, isa ring bagong simula ang unti-unting ginagawa ni Tekla matapos ang malaking pagsubok na ito sa kanyang buhay.
Kung noong una ay halos isumpa ng publiko si Tekla dahil sa mga akusasyon sa kanya ni Michelle, matapos na lumabas ang iba’t-ibang mga testimonya kampi sa kanya ay unti-unti na ring naaani ni Tekla ang tiwala ng publiko.
Higit nang naniniwaa ng mga ito sa panig ng komedyante na naging biktima lang rin ng mapang-abuso umano na si Michelle. Saksi ang mga kaibigan ni Tekla sa kung paano raw minahal ni Tekla ang live-in partner sa kabila ng mga bisyo at pagiging mapang-abuso nito sa kanya.
Kaya naman, marami ang hindi naging masaya sa kinalabasan ng ‘Part 6’ ng pagharap ni Michelle sa programa ni Tulfo dahil hindi lubusang kumampi ang host kay Tekla na siya umanong tunay na biktima sa nangyari.
Maaring si Michelle umano ang lumapit sa programa at nagreklamo ngunit, hindi lahat ng nagrereklamo ay talagang biktima dahil ang iba ay nagiging ‘pa-victim’ lamang kagaya ni Michelle.
Bagama’t umalis na sa poder nito si Michelle, ang kalat at dumi na iniwan nito sa condo ni Tekla ay kitang-kita pa rin. Sa dami ng mga nakatira at binuhay ni Tekla na pamilya ni Michelle, hindi man lamang nagawa ng mga ito na alagaan ang tahanan ng komedyante.
Kaya naman, para sa bagong simula ay nilinis nang maigi n Tekla at ng kaibigan nitong si Donita ang tahanan ng komedyante. Ang dati nitong itsura na halos hindi nila makayanan ang dumi ay umaliwalas na at naging malinis.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment