Umani ng kabi-kabilang papuri ang pulis na ito mula sa Asingan, Pangasinan dahil sa kanyang ipinamalas na kabutihan at katapatan sa kanyang serbisyo.
Ang pulis na ito ay nakapulot umano ng isang bag na mayroong laman na malaking halaga ng pera sa loob. Ayon sa ulat, ang bag na ito ay naglalaman ng mahigit sa Php 3 milyong halaga ng pera.
Walang pagdadalawang-isip naman itong isinauli ng naturang pulis sa may-ari nito kung kaya nakatanggap ito ng parangal mula sa Pangasinan Police Provincial Office para kilalanin ang pagiging tapat nito sa kanyang sinumpaang tungkulin at sa pagiging isang mabuting tao.
Sa kabila ng reputasyon ng ilang kapulisan na nababahiran ng hindi maganda, ipinakita umano ng pulis na ito na mayroon pa ring mga pulis na buo ang loob para sa tungkulin na dapat nilang gampanan at nangunguna pa rin ang serbisyo nila sa publiko.
Ang naturang pulis ay nararapat lamang na tularan dahil isa itong magandang ehemplo na dapat na katangian ng isang pulis. Kung kaya naman, nararapat lamang na makatanggap ito ng parangal at pagkilala.
Ayon sa mga netizen, sana raw lahat ng pulis ay kapareho ang pag-uugali at paninindigan na mayroon ang natatanging pulis na ito. Sa rami raw ng mga tiwaling pulis ngayon, ang kailangan ng mga tao at ng publiko ay isang pulis na magbabalik ng nawalang tiwala nila sa mga ito.
Nitong nakaraang mga buwan at taon, hindi lingid sa kaalaman ng marami na naging laman ng balita ang mga pulis na umano’y hindi tapat sa kanilang serbisyo at nasangkot pa sa iba’t-ibang mga masasamang gawain.
Dahilan ito upang mawalan ng tiwala sa kanila ang ilang mga mamamayan na naniniwalang marami sa hanay ng mga kapulisan ang umano’y abusado at hindi ginagawa ang kanilang tungkulin.
Sa pamamagitan ng balitang ito kung saan, isang pulis ang nagpamalas ng kabutihan, unti-unti nitong nakukuha pabalik ang tiwala ng mga tao at ang paniniwala ng mga ito na mayroon pa ring mga mabubuting pulis na tapat sa tungkulin at serbisyo sa publiko.
Saludo ang mga ito sa naturang pulis at sana raw ay ipagpatuloy pa nito ang kanyang mabuting gawain at maging mabuting impluwensya sa iba ring mga pulis at alagad ng batas.
Heto pa ang ilan sa inihayag na komento ng mga netizen:
“Congrats, Sir. Saludo kami sa katapatan at busilak mong puso dahil di ka nagkainteres sa malaking halaga. Sana tularan ka ng mga kapwa mo at iba pa. God bless!”
“Very good. Di katulad ng iba dyan, gusto lagi maka pangutong at mambugbog sa walang kalaban-labang mga tao.”
“Sana all ganyan ang pulis para ‘yung mga tao magkaroon ng tiwala ulit. Baka nman ‘pag mataas na posisyon ay mag iba na rin. Sana huwag magbago at lumaki ang ulo.”
“Madaming police ang mababait tlaga. Ang iba kasi abusado kaya damay damay ang record. We love all the policemen.”
“Gwapo inside and out. Ang Diyos na ang bahalang mgbigay ng gantimpala sa gawa mong mabuti. I salute and admire you. God bless you, sir.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment