Hindi maikakaila na isa si Sandara Park sa mga pinakasikat na Kpop idol lalong lalo na noong aktibo pa ang Kpop girlgroup na 2ne1. Kilalang-kilala ito hindi lamang sa South Korea kundi pati na rin sa ibang mga bansa gaya ng Japan at syempre, sa Pilipinas.
Ngunit, sa isang panayam na pinaunlakan ni Dara kamakailan lang, mayroon itong ibinunyag tungkol sa isang bagay na kailangan niyang isakripisyo dati habang tinatamasa ang kasikatan.
Ayon kay Dara, kahit noong isa pa lamang itong trainee o nagsasanay pa lamang para maging isang Kpop idol ay pinagbawalan na ito na pumasok sa isang relasyon o makipag-date. Hanggang sa sumikat na nga ang kanyang grupo ay nagkaroon ulit ito ng limang taon na ‘dating ban’.
“I’ve been in ‘untact’ (non-face-to-face contact) relationships even before COVID-19,” ani ni Dara.
Kwento pa nito, minsan daw siyang napagalitan noong isa pa lamang siyang trainee dahil nagkaroon ito ng boyfriend. Ngunit, noong nagsimula na ang kanyang dating ban ay sinunod niya naman umano ito at hindi na nakipag-date ulit.
“When I was a trainee, I was scolded for being in a relationship, and my manager took away my cellphone. Then after I debuted, there was a five-year dating ban.Then, after I debuted, there was a five-year dating ban…
“I really didn’t date because they told me not to,” kwento pa nga ni Dara.
Kaya naman, ngayon ay gusto raw humingi ng paumanhin ni Dara sa kanyang mga naging ex-boyfriends dahil nga sa dating ban niya noon na kailangan niyang sundin.
“Only recently did I make up my mind to date actively. All I needed was a will to be more assertive. I would like to take this opportunity to apologize to my ex-boyfriends,” dagdag pa ng Kpop star.
Bago pa man maging isang sikat na Kpop idol at makilala bilang si Dara ng 2ne1, una muna itong sumikat sa Pilipinas matapos nitong maging runner-up sa Star Circle Quest ng ABS-CBN. Dito nagsimulaa ang karera ni Dara sa Pilipinas kung saan naging isa itong matagumpay na aktres at singer.
Bumalik ito sa South Korea noong 2007 at noong 2009, nabuo ang 2ne1 na talaga namang namayagpag sa industriya ng Kpop. Bagama’t disbanded na ngayon ang grupo, si Dara ay mayroon pa ring karera sa pagiging isang aktres, endorser, at host.
Karaniwan na para sa mga Kpop idol ang pagkakaroon ng ‘dating ban’ na madalas ay ipinapatupad sa mga ito ng mahigit sa tatlong taon o hanggang sa maabot nila ang kita o goal na kasikatan. Maliban dito, isa rin itong paraan upang lubusang matuon ang atensyon ng Kpop idol sa kanilang karera at maiwasan ang distraction.
Iba rin kasi ang kultura roon ng mga fans kung saan, ang mabalitaang mayroong karelasyon ang isang idol ay mayroong negatibong imahe sa kanila. Sa South Korea, kapag nalaman daw na mayroon nang boyfriend o girlfriend ang isang idol ay hindi na ito nagiging maganda o ‘attractive’ sa paningin ng mga fans.
Kaya naman, hangga’t maaari ay iniiwasan ng mga ito namasangkot ang pangalan sa isang relasyon dahil negatibo raw ang pananaw at epekto nito sa kanilang karera.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment