Tuesday, October 6, 2020

Madalas na Pag-iyak, Nakakapayat daw Ayon sa mga Eksperto


Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Tennessee-based stress expert na si Dr. Pete Sulack, ang madalas daw na pag-iyak ng isang tao ay maaaring magresulta sa pagbaba ng timbang nito o pagpayat.

Ito marahil ang dahilan kung bakit pumapayat ang mga taong napapadalas ang pagluha dahil sa dami ng mga problemang kinakaharap sa buhay.

Ayon kay Dr. Sulack, ang hormone na ‘cortisol’ sa katawan ng tao ay siya umanong reponsable sa pagreregulate ng ‘stress’ sa katawan at dahil dito kaya mayroong nagaganap na ‘fat deposition’ sa bandang tiyan ng tao o ‘abdominal area’.

Sa pag-iyak naman umano na nakagagawa ng ‘stress tears’, naglalabas umano ang katawan ng mga hormones na ‘prolactin’, ‘adrenocorticotropic hormone’, ‘ug leucine enkephalin’.

Sa paglabas ng ‘adrenocorticotropic hormone’, isa sa tatlong hormone na lumalabas tuwing umiiyak, bumababa umano ang cortisol level sa katawan ng tao. Kaya ang resulta, hindi nakakagpagregulate ng streess ang hormone na cortisol kaya wala masyadong taba na naiipon sa bandang parte ng tiyan.

Dahilan ito upang hindi madagdagan ang timbang ng isang tao o di kaya ay pumayat. Kaya naman, lumabas sa pag-aaral ni Dr. Sulack na nakakapayat o nakababa nga ng timbang ang pag-iyak.

Maraming mga tao naman ang sang-ayon at naniniwala umano sa resulta ng pag-aaral na ito. Marami sa mga ito ang nakakaranas umano ng hindi pagdagdag sa kanilang timbang kahit sa dami ng kanilang kinakain dahil nga sa sobrang pag-iyak dulot ng stress.


Isa rin umano sa makakapagpatunay nito ay ang maraming overseas Filipino worker (OFW) na panay ang pag-iyak habang nasa ibang bansa dahil sa pagkamiss sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Bilang resulta, maraming mga OFW ang umano’y payat o mababa ang timbang.

Ani naman ng ilan, maaaring ngang ang mga hormones na ito na nailalabas sa pag-iyak ang dahilan ng pagpayat ng isang tao ngunit, kapag panay raw kasi ang iyak ng isang tao dahil sa problema at lungkot, nawawalan din umano itong gana na gumalaw at kumain. 

Dagdag rason din umano ito kung bakit tuluyan na ngang bumababa ang timbang ng isang tao na panay ang pag-iyak. Nangyayari din umano kasi ang biglaang pagpayat sa mga taong sawi sa pag-ibig na nagdudulot ng madalas na pagluha at kawalan ng gana.

Ngunit, dahil nga iba-iba ang mga tao, mayroong iba na imbes na pumayat ay mas nadadagdagan pa umano ang timbang. Imbes daw kasi na mawalan ng gana sa pagkain, sa pagkain umano ibinubunton ng ilan ang kanilang lungkot kaya ang resulta, tumataba ang mga ito.

Sa kabilang banda, pinagkatuwaan naman ng ilang mga netizen ang pag-aaral na ito lalo na ang mga taong may mabigat na timbang at nais na magpapayat.


Kung totoo umano ang naturang pag-aaral, sisimulan na umano nila ang pag-iyak upang simula na ring mabawasan ang kanilang mga timbang. Dagdag pa ng mga ito, baka raw hindi na nila kailangang magdiet pa dahil pag-iyak lang daw pala ang solusyon para tuluyan silang pumayat.


Biro pa nga ng ilan, tutal daw ay mahirap talagang mag-ehersisyo, mas madali umano kung iiyak na lamang sila para magbawas ng timbang.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment