Tuesday, October 27, 2020

Mga Pasabog ni Miss Universe Phippines Top 16 Sandra Lemonon, Trending ngayon sa Social Media!


Hindi pa rin natatapos ang mga makahulugang pahayag sa Instagram ni Miss Universe Phippines Top 16 at Miss Taguig City na si Sandra Lemonon tungkol sa umano’y isang pasabog na katotohanan.

“Defensive Behavior Is a barrier for communication. Only people without a clear conscience should be afraid of truth… Sweatdreams,” saad pa ni Sandra sa isa sa mga bago nitong Instagram story.

Buong araw na naging trending si Sandra nitong Longgo matapos ang anunsyo ng opisyal na mga nanalo sa Miss Universe Philippines 2020. Ayon pa kay Sandra sa isang IG story nito na kumuha sa atensyon ng mga netizens, 

“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts.”

“The truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real. Soon. Because we deserve justice,” sunod pa nitong ani.

Pagkatapos ng mga ito ay sunod-sunod na ang mga misteryosong pahayag ni Sandra tungkol sa umano’y katotohanan na gusto nitong ibunyag. Mayroon pa itong naging patutsada tungkol sa umano’y dapat na katangian ng isang beauty queen.

“Accepting defeat graciosuly is one of many mark of being a queen. But what you forgot to say is that REAL queens play FAIR, don’t CHEAT,” ani pa nito.

Sa Twitter ay nagkalat din ang iba’t-ibang mga opinyon tungkol sa mga pahayag na ito ni Sandra. Ilan sa mga ito ang nagsasabi na hindi lamang umano matanggap ni Sandra ang kanyang pagkatalo kaya ito nagsasalita ng ganito.


Sa kabilang banda, isang netizen naman ang naghayag ng kanyang saloobin tungkol sa ginagawang ito ni Sandra na umano’y pagsasalita para sa marahil ay isang hindi makatarungang pangyayari na naganap sa pageant. 

Ani nito, minsan na umanong natalo si Sandra ngunit tinanggap niya naman ito ng maluwag. Marahil daw ay importante ang ibubunyag na ito ng beauty queen kaya nito napagdesisyunang magsalita.

“Sandra Lemonon lost to Catriona Gray twice & she never mentioned any injustices and unfair treatment in the past. Therefore, there's really something wrong that made her speak up not only for herself, but also for other contestants,” saad pa ng netizen na ito.

Para naman kay Sandra, nag-iipon pa raw ito ng lakas para tuluyang magsalita at ihayag ang umano’y katotohanan. Ayaw niya umanong maranasan din ng mga susunod na sasali sa prestihiyosong pageant ang kanilang naranasan.

“Sometimes, you will have to face many hate before people get to understand what really is happening behind the scenes…

“I am gathering all my strength to speak up and share the truth. All I want is for us to improve for the next batch of ladies who will be in our shoes and I do not want them to face what we did. Because we can do better and DESERVE BETTER,” ani pa ni Sandra.


Hanggang ngayon, iniintay pa rin ng mga netizen lalong-lalo na ng mga sumubaybay sa prestihiyosing pageant kung ano ang tinutukoy rito na pasabog at katotohanan ni Sandra.

Sa kabilang banda, marami rin ang nagsasaad na kung maaari ay itigil na lamang umano ang mga kontrobersiya na ito na iniuugnay sa pageant at sa mga nanalo.

Source: msn

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment