Pinaniniwalaan ng mga residente sa Boston, Davao Oriental na ang mga ‘shokoy’ umano mula sa karagatan ang pumatay sa dalawang magkakapatid na ito na pumanaw kamakailan lang.
Sa isang ulat na inilabas ng Superbalita Davao nito lamang Miyerkules, ika-7 ng Oktubre, bandang alas 8 ng umaga nang magpunta umano sa dagat ang dalawang magkapatid upang maligo. Nangyari ito isang araw bago ilabas ang ulat ng nasabing pahayagan.
Ngunit, nalunod umano ang dalawa at hindi na nasagip pa ng mga rumesponde sa rescue operation.
Maraming mga netizen naman ang nalungkot sa naturang balita at naawa sa nangyari sa dalawang bata. Marami sa mga ito ang nanghinayang sa buhay ng mga ito lalo na’t ang babata pa ng magkapatid. Agad naman nagpaabot ng pakikiramay ang mga netizen na ito para sa pamilya ng mga nasawi.
Ayon sa mga residente ng Barangay Cabasagan, Boston, Davao Oriental, matagal na umanong paniniwala sa kanila na mayroong kakaibang mga nilalang o ‘shokoy’ na naninirahan sa kanilang karagatan.
Ito umano ang dahilan kung bakit sagana sa isda ang kanilang lugar. Ngunit, paniniwala ng mga ito ay ang mga ‘shokoy’ na ito rin ang dahilan ng pagpanaw ng dalawang batang magkapatid.
Bagama’t hindi ito lubusang napapatunayan, wala naman umanong mawawala kung maniniwala sila rito lalo na’t matagal na itong hinala sa kanilang lugar.
Sa ibang mga lugar lalo na sa probinsya, malaki ang paniniwala ng mga tao sa mga ganitong nilalang. Karaniwan na ito para sa mga Pilipino kaya mapa-hanggang ngayon, sa kabila ng modernong panahon ay marami pa rin ang naniniwala sa mga ito.
Ayon naman sa mga netizen, bagama’t mayroong iilan na naniniwala na mayroon daw ‘shokoy’ sa likod ng pagpanaw ng dalawang bata, mas marami pa rin ang naniniwala na hindi umano ito totoo.
Ayon sa mga ito, maaaring dahilan umano ng kanilang pagkalunod ay ang mga alon o di kaya ay masyadong naging malalim na ang nilangoyan ng mga bata. Maaari umanong unang nalunod ang isa sa mga ito at sinubukang sagipin ng kapatid ngunit pareho silang hindi nakaligtas.
Ang mga aksidenteng ito umano ang dahilan kung bakit kailangang gabayan ang mga bata sa tuwing maliligo ang mga ito sa dagat. Hangga’t maaari ay huwag pabayaang maligo ang mga ito ng mag-isa sa dagat. Importante na mayroong kasamang bantay ang mga ito para masiguro ang kanilang kaligtasan.
Bagama’t hindi naman umano sinisisi ng mga netizen ang mga magulang bata, ang naturang pangyayari ay isa umanong paalala at babala para sa iba pang mga magulang na doblehin ng mga ito ang pag-iingat upang maiwasan ang masakit na pagkawala ng buhay.
Hindi umano dapat na iniiwan ang mga bata na naliligo sa dagat dahil malaki ang posibilidad na mayroong peligrong nag-aabang sa mga ito. Walang sinuman ang gugustuhin na mawala ng isang mahal sa buhay lalo na sa isang aksidente na kung gugustuhin ay pwede namang iwasan.
Kaya naman, sa kahit anong sitwasyon ay huwag umanong ipagsawalang bahala ang pagbibigay halaga sa kaligtasan ng nakararami lalong lalo na ang kaligtasan ng mga bata.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment