Sunday, October 25, 2020

Transgender Woman, Pinag-aagawan ng 2 Lalaki Kaya Nakatira Silang Tatlo sa Iisang Bahay


Isang kakaiba at nakakagulat na kwento ng pag-iibigan ang nakatakda ngayong ipalabas sa programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’. 

Ito ay tungkol sa dalawang lalaki na nagmahal at pinag-aagawan ang isang transgender woman. Walang gustong magparaya sa dalawa kaya nagdesisyon ang mga ito na tumira silang tatlo na magkasama sa iisang bubong.

Sa Dipolog City, parehong nahulog ang loob nina Leonizo at Kariff sa iisang tao. Ito ay ang transgender woman na si ‘Venus’.

Ayon sa kwento ni Venus, una raw nitong nakarelasyon si Leonizo. Ayon dito, maayos naman ang kanilang relasyon ngunit, dahil sa mga hindi naiiwasang pag-aaway, mayroong isang tao na naging kanyang sandalan. Ito ay si Kariff.

Hanggang sa napamahal na rin si Venus si Kariff kaya napagdesisyunan nitong makipaghiwalay na lamang kay Leonizo. Iyon nga lang, ayaw nito na makipaghiwalay kay Venus. Dahil dito kaya humantong silang tatlo sa pagsasama sa iisang bahay.

“Una kong nakilala si Leonizo. Nahulog 'yung loob ko sa kanya kasi sobrang bait at gentleman niya. Pero nu'ng nagtagal kami, siyempre nagkakaroon na ng away. Tuwing nag-aaway kami, si Kariff 'yung nagko-comfort sa akin. Hanggang nahulog na rin ang loob ko kay Kariff.

“Nakikipaghiwalay ako kay Leonizo pero hindi niya matanggap. Hanggang sa nag-decide na kaming tatlo na tumira na lang sa iisang bubong,” kwento pa ni Venus.

Ayon kay Leonizo, kahit na maraming tumutol sa kakaibang set-up na mayroon silang tatlo, dahil mahal niya si Venus ay ipinaglaban niya ito at hindi pumayag na makipaghiwalay. Kahit daw masakit na dalawa sila sa buhay nito ay unti-unti na rin siyang nasasanay.



“Nu'ng una hindi ko matanggap na kaming tatlo 'yung magkasama. Maraming tumutol sa pagsasama namin. Pero pinaglaban ko si Venus. Sobra ko siyang mahal. Buhay ko inalay ko sa kanya. Nagseselos talaga ako tuwing magkasama sila. Pero unti-unti na rin akong nasanay kahit masakit,” saad ni Leonizo.

Para naman kau Kariff, si Venus lamang ang tanging naging karelasyon niya na hindi ito sinaktan kailanman. Palagi raw siyang iniiwan ng mga babaeng naging nobya niya noon ngunit, iba raw si Venus sa mga ito. 

Ani pa nito, sa una pa lamang nilang pagkikita ay nahulog na ang loob niya kay Venus. Ngunit, dahil sa dalawa sila na nagmamahal dito, nakatira sila ngayon sa iisang bubong. Kaya naman, hindi na naiwasan ni Kariff na tanungin si Venus kung sino sa kanilang dalawa ang mas mahal nito. Kwento niya rito,

“Na-love at first sight ako kay Venus. Marami naman na akong pinagdaanang girlfriend. Pero lagi akong sinasaktan, iniiwan. Iniisip ko baka iba na ngayon sa relasyon ko kay Venus. Sa dalawang taon naming pagsasama, never niya ako sinaktan… Nu'ng tumira kami sa iisang bahay, tinanong ko si Venus, 'Mahal mo ba si Tisoy o ako?'”

Marami naman ang nag-aabang na sa buong kwento tungkol sa kakaiba at nakakagulat na sitwasyong ito ng tatlo. Kaya naman, abang-abang na ang mga ito sa pagpapalabas ng kwento nina Venus, Kariff, at Leonizo sa KMJS. 


Gustong malaman ng marami ang ilan pang mga detalye kung paano humantong sa ganoon ang kanilang sitwasyon na masyadong kakaiba at hindi pangkaraniwan.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment