Tuesday, October 27, 2020

Raffy Tulfo, Umatras sa mga Tulong na ibibigay kay Michelle; " Nagisa ka sa sarli mong mantika"

“Nagisa ka sa sarli mong mantika.”

Ganito inilarawan ni Raffy Tulfo ang desisyon ni Michelle Lhor Bana-ag, dating live-in partner ni Tekla, na umattas mula sa hamon nito na sumailalim sa drug test. 

Ayon kay Tulfo, sa ginawang hakbang na ito ni Michelle ay pinatunayan lamang nito ang mga konklusyon sa kanya na gumagamit pa rin ito ng ipinagbabawal na dr*ga. Sa pagkakataong ito ay kunbinsido na si Tulfo na mayroong mali si Michelle na itinatago.

Ayon kay Michelle, ang dahilan daw ng pag-atras nito ay dahil sa payo ng kanyang tita na huwag itong pumayag dahil kakapanganak pa lamang daw niya. Hindi raw maganda kay Michelle ang mabunutan ng buhok lalo na’t mayroon pa itong binat.

Hindi na lamang naiwasan ni Tulfo na matawa sa ginawang ito ni Michelle. Ayon kay Tulfo, mukhang ito na umano ang huling kabanata ng kaso na ito nina Tekla at Michelle.

Ayon kay Tulfo, nawala na ang binigay niyang pagkakataon dito na mapatunayan ang sarili kahit na sa kabila ng kaliwa’t-kanang mga ebidensya na nagpapatunay ng mga mali nitong gawain. 

Dahil sa mga pahayag na ito ni Tulfo ay agad din na binawi ni Michelle ang naturang desisyon na umatras sa drug test. Ngunit, ayaw na itong pagbigayan pa ni Tulfo at nagmatigas na ito sa lahat ng mga sinasabi ni Michelle.

“Hindi na. No. Michelle, hindi na. Hindi mo lang sinunog ‘yung sarili mo sa’kin kundi, ang ginawa mo, nagdive ka sa isang dagat na umaapoy. 

“Very clear na sa akin. This is now an indication to me na mayroon ka talagang itinatago. You’re lying,” ani pa ni Tulfo.

Isa umanong malinaw na kasinungalingan ang palusot na sinabi ni Michelle para maiwasan ang pagpapa-drug test. Lusot na umano sana ito mula sa kanyang mga ginawa ngunit, ito pa umano ang naghamon kaya tuluyan itong nahulog sa sarili nitong kasinungalingan.

Dahil dito, napagdesisyunan na rin ni Tulfo na iatras ang lahat ng mga tulong na matatanggap sana ni Michelle gaya ng mga grocery, bayad sa renta ng kanilang tinutuluyan, at ang pagpapapustiso nito.

Ayon kay Tulfo, wala siyang tiwala kay Michelle at baka raw ipambili lamang nito ng dr*ga ang perang ibibigay niya rito.

Dahil sa mga pahayag na ito kaya mukhang naging desperada na si Michelle at ang mga kasama nito sa bahay. Sinubukang kausapin ng mga ito si Tulfo ngunit nanindigan ang host na ayaw na nitong marinig pa ang anuman na kanilang sasabihin.

Saad pa nga ni Tulfo, maging ang iyak ni Michelle ay hindi na rin nakakapaniwala at hindi na siya madadala sa drama nito. Banta niya pa rito, dahil idinadamay umano ni Michelle ang mga bata sa kanyang pag-iyak maaari niya pa raw itong kasuhan ng child abuse.

“Michelle, ilayo mo na ‘yang bata dahil pati ikaw, pakakasuhan ko ng child abuse. Paiiyakain mo ang bata na wala namang kinalaman ‘yung bata sa isyu, at hindi alam nung bata kung ano ang iniiyak niya,” saad pa ni Tulfo. 

Dito, siniguro rin ni Tulfo na mapupunta ang kustodiya ng anak nila ni Tekla sa komedyante. Maging ang mga pamangkin ni Michelle ay kanya ring idudulog sa DSWD.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment