Dismayado at humihingi ngayon ng tulong ang isang OFW na ito mula Lebanon matapos na matanggap sa Pilipinas ang balikbayan box na ipinadala niya sa isang cargo at umabot pa ng siyam na buwan bago dumating sa bansa.
Ayon sa Facebook post ng isang Hayete Ana, gutay-gutay na ang itsura ng balikbayan box nang matanggap niya ito na pinadala niya pa noong Enero.
Maliban sa ninakaw ang mga mahahalagang baya niya sa loob nito, basa na rin ang mga natira niyang gamit sa balikbayan box gaya na lamang ng mga gamit. Dagdag pagbabahagi pa ng netizen, mabaho na rin daw ang loob ng balik-bayan box.
“Guys pakitulongan naman ako. ‘Yung cargo ko, nong January ko pinadala at kahapon ko lang natanggap. Almost 9 months na siya guys at nang natanggap ko, ganito ang hitsura niya guys. Ninakaw ang mahahalagang bagay at basa lahat nang damit ko at mabaho na guys,” paglalarawan pa nito.
Base sa mga larawang ibinahagi ni Ana, makikita ang hindi magandang hitsura ng balikbayan box dahil nga sa basa na ito. Kahit pa nakabalot ng plastic o packing tape ang buong box ay halata na binuksan ang ibabaw nito na dahilan marahil kung bakit nabasa ang box at ang mga gamit sa loob nito.
Ayon sa kanyanh Facebook post, ilan daw sa mga bagay o gamit na nawawala rito ay rice cooker, juicer, electric fan, waffle maker, apat na pandurog ng bawang, plantsa, sling bag, digital camera, at makapal na kumot.
Pinanghihinayangan ito ng OFW dahil aniya pa, pinaghirapan niya rin na mabili ang naturang mga bagay sa Lebanon. Kaya naman, humihingi ito ngayon ng tulong upang mapanagot ang cargo na nagdala ng natura niyang balikbayan box.
Ani ng OFW, ang pinaldahan niya raw na cargo ay ang Pinoy Cargo. Mayroon din itong ipinakitang resibo bilang patunay na ito nga ang pinadalhan niya ng kanyang balikbayan box.
“...sayang ‘yun guys, pinaghirapan ko ‘yun. Please pakishare naman to plss. PINOY CARGO po ang pangalan nang pinadalhan ko sa LEBANON poh salamat sa pag share nyo,” dagdag pa ng nasabing OFW.
Agad naman na naging trending ang Facebook post na ito ni Ana. Umani ito ng iba’t-ibang mga reaksyon at komento mula sa mga netizen na hindi rin nagustuhan ang ginawa sa balikbayan box ng OFW.
Ilan sa mga ito ay nagkaroon din daw ng parehong karanasan kung saan, nasira ang kanilang balikbayan box o di kaya ay ninakawan din ang mga gamit sa loob nito. Payo ng mga ito kay Ana, sana raw ay kinunan niya ng litrato bago buksan ang balikbayan box o di kaya ay binuksan niya muna ito bago tanggapin mula sa cargo.
Saad naman ng karamihan, ireklamo umano ng OFW ang nangyaring ito sa kanya sa kinauukulan at pagbayarin ang mga ito sa mga nawawalang gamit sa kanyang balikbayan box. Hindi umano dapat na pinapalagpas ang ganitong masamang gawain lalo na’t napapadalas na ang mga pangyayaring katulad nito.
“Dami talaga nangyayaring ganyan sa cargo… Nakakalungkot na maraming mga taong interesado sa mga bagay na alam naman nilang pinaghirapan mo ng husto. Mga magnanakaw, di na nakukonsensya,” komento pa nga ng isa sa mga netizen.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment