Friday, October 9, 2020

Pahiwatig ni Vice Ganda na ‘Better Days Are Coming’ sa It’s Showtime, sa Sabado na nga ba Magaganap?


Iba ang kasiyahan na ipinakita ng host na si Vice Ganda at iba pang host ng noontime show na It’s Showtime noong nakaraang Biyernes na episode ng kanilang programa.

Dito, tila may ipinahihiwatig ang mga host na magandang balita tungkol sa It’s Showtime at para sa mga Madlang People.

“Naku naku nako, abang abang lang kayo diyan, naku naku naku… Ayoko na lang talaga mag salita baka mapagalitan ako!” pahiwatig pa nga ni Vice tungkol dito.

Ayon sa host at komedyante, mayroon umanong dapat abangan ang Madlang People ngunit hindi siya pinayagan na sabihin kung ano ito. Gayunpaman, pagsisiguro ni Vice, ‘better days are coming’ para sa kanila.

“Ayaw ko na lang talaga mag salita baka mapagalitan ako pero abang abang kayo dyan. Diba sabi ko sa inyo Madlang Pipol, Better Days are coming…

“Naku, naku Madlang Pipol, abang-abang and kita-kits,” ani pa ulit ni Vice.

Matapos nga ang pahiwatig na ito ng mga host ng It’s Showtime, lumabas ang bulong-bulongan na mapapanood na raw ang programa at iba pang shows ng ABS-CBN sa free TV. Ito raw ang tinutukoy ni Vice na dapat abangan ng mga Kapamilya.

Ilang araw lamang matapos nito, lumabas naman ang ulat na kinukumpirma ang agam-agam na ito ng publiko. Kumpirmadong mapapanood na ang It’s Showtime, ASAP Nation ’To, at iba pang TV shows ng ABS-CBN sa free TV!


Ito ay sa pamamagitan ng partnership ng ABS-CBN Corportation sa ZOE TV na pagmamay-ari ng Jesus Is Lord Church at pinamumunuan ni Bro. Eddie Villanueva. 

Ayon sa ulat, simula sa Sabado, ika-11 ng Oktubre, mapapanood na sa ZOE Broadcasting Network ang It’s Showtime at sa Linggo naman, ika-12 ng Oktubre, ipapalabas na rin dito ang ASAP Natin ‘To.

Nakatakda na rin umanong ilabas dito ang iba pang mga programa o TV shows at movies ng ABS-CBN. Isa itong tunay na magandang balita para sa mga Kapamilya kapag natuloy at walang aberya sa planong ito.

Ang ZOE TV station ay mapapanood na rin sa Sky Cable bilang karagdagang TV channel. Dito bagong mapapanood ang mga artista at talento ng ABS-CBN. Tiyak naman itong ikinatuwa ng karamihan na nag-aabang na sa pagbabalik ng ABS-CBN at nang mapanood muli sa telebisyon ang namiss nilang mga artista.

Bigo man itong mai-renew ang kanilang prangkisa noong nakaraang Hulyo, isang bagong liwanag naman ang nag-aabang sa ABS-CBN at sa mga empleyado nito.

Kaugnay nito, dahil malapit na ngang mapanood sa free TV ang noontime show na It’s Showtime, mayroong lumabas na balita na umano’y plano nitong tapatan ang pilot episode ng ‘Launch Out Loud’.


Ang ‘Launch Out Loud’ ay ang bagong noontime show ng TV5 na mapapanood simula ika-19 ng Oktubre. Pamumunuan ito nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, Wacky Kiray, Bayani Agbayani at KC Montero bilang mga host ng programa.

Ang producer naman nito ay si Johnny Manahan na siyang direktor dati ng ASAP at dating namumuno sa Star Magic. Ayon sa isang ulat ng Pep.ph, upang tapatan ang bagong noontime show ng TV5 ay magkakaroon umano ng live telecast ang It’s Showtime.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment