Sunday, November 22, 2020

Anak ni Tekla na si Baby Angelo, Isugod sa Ospital!


Isinugod kamakailan lang sa ospital ang sanggol na anak ng komedyanteng si Super Tekla ngunit, nasa maayos na raw itong kondisyon ngayon ayon mismo sa komedyante.

Inihayag ni Tekla sa isang Facebook post na nasa maayos nang kalagayan ngayon ang anak na si baby Angelo matapos nitong mai-transfer mula sa Emergency room papuntang Recovery ward. Ayon sa mga ulat, isinugod daw ni Tekla ang anak sa ospital.

Kaya naman, dahil sa pagbuti ng kalagayan ng anak ay ipinagpapasalamat ito ni Tekla sa Panginoon at maging sa mga nagdasal din para sa kalagayan ni baby Angelo. Saad pa nga ni Tekla,

“Sabi ko sa kanya ni minsan di ako nagreklamo sa lahat ng pagsubok na naranasan ko… then pumikit ako sabi ko, lahat kakayanin ko hinding hindi ako magrereklamo wag mo lang pahihirapan si ANGGE…

“HE answered and God knows kung ano kahinaan ko at alam niyang bibigay at ikalulumpo ko kaya di nya ako pinahirapan sa anak ko. 

“Salamat, Lord, ang sigla na ni Angelo from ER transfer sa Recovery WARD. Lahat normal heartbeat BP oxygen level ginagamot nalang ‘yung ubo niya. LORD SALAMAT.”

Kung matatandaan, humingi dati ng tulong si Tekla upang maoperahan ang anak niyang ito na ipinanganak na mayroong komplikasyon. Walang butas sa puwit na ipinanganak si baby Angelo o kondisyon na tinatawag na anorectal malformation.


Matagumpay naman na naoperahan ang bunso ng komedyante dahil na rin sa mga tulong na nakalap nito sa mga tao lalo na sa kanyang mga kaibigan sa industriya. Minsan, nang masangkot sa isang malaking kontrobersiya si Tekla at ang dati nitong kalive-in na si Michelle Banaag ay naibunyag na dahil umano sa bisyo ni Michelle habang nagbubuntis kaya nagkakomplikasyon ang kanilang anak nang ito’y isinilang.

Kaya naman, bagama’t marami ang tuwa na maayos na ngayon ang kondisyon ni baby Angelo ay mayroong iilan na naghayag ng pagkabahala na sana raw ay manatili na lamang sa poder ni Tekla ang anak upang maiwasan ang iba pang mga komplikasyon lalo na’t kakaopera pa lamang dito.

Komento pa nga ng ilan sa mga netizen tungkol dito:

“Maselan ang baby kaya dapat di siya nae-expose sa maduduming paligid tsaka sa usok ng yosiiiii! Kunin niyo na po, idol Tekla, para nalng sa kalusugan ni baby.”

“Dapat nasa poder nalang ni Tekla ‘yung anak niya para maka-iwas din sa usok ng sigarilyo. Imposible kasing walang naninigarilyo sa bahay ng nanay ng bata.”

“Kunin mo na si baby Angelo…  Mas makakabuti kasi na lumaki si baby sa malinis na lugar at walang bad influence.”


Sa pinakuhuling Facebook post na ibinahagi ni Tekla, humihingi pa rin ito dasal mula sa publiko dahil kahit wala na sa peligro ang bata ay mag-isa lamang ito sa recovery ward at hindi umano mawala ang pangamba ng komedyante. 


Gayunpaman, pinasalamatan niya rin ang mga doktor at nurse na siyang tumutok at nag-alaga kay baby Angelo. Ani nito,

“Maraming salamat sa lahat ng mga doctors at mga nurses ng Philippine Children Medical Center for taking care of my little boy Angelo. GOD Bless. I salute at bigay pugay sa lahat ng mga medical frontliners.”

Source: gmanetwork


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment