Sunday, November 22, 2020

Andrea at Derek, Lumabas pa sa Vlog ni Dra. Belo 2 Linggo Bago ang Kanilang Hiwalayan


Dalawang linggo bago lumabas ang balitang hiwalay na sina Derek Ramsay at Andrea Torres ay lumabas pa sa isang vlog ang dalawa na magkasama. Ito ay sa isang vlog na inilabas ni Dra. Vicki Belo sa kanyang YouTube channel.

“If you unravel what is inside Derek’s heart today, it will definitely reveal his precious dogs, his collection of cars and of course Andrea Torres. 

“How about seeing all of them in this special episode when Dr. Vicki and Scarlet visit the home of Belo hunk and good friend Derek Ramsay. #DerekRamsay #AndreaTorres #VickiBelo,” ang nakasaad pa nga sa vlog ng celebrity dermatologist.

Sa vlog, binisita ng ni Dra. Belo at ng kanyang anak na si Scarlet Snow ang bahay ng aktor na minsan na rin nitong ipinasilip sa isang vlog. Dito, habang ipinapakita ni Derek ang kanyang mga aso at mga sasakyan, nagkaroon ng ilang usapan sila ni Dra. Belo tungkol sa kanyang bahay at relasyon kay Andrea.

Tanong ni Dra. Belo kay Derek, dream house niya na raw ba ang bahay na tinitirahan at ipinatayo nito. Tinanong din nito si Derek kung sino ang kasama niyang titira roon.

“Yeah, I wanna start my family here. Hopefully, fingers crossed, I can convince my parents to live with me. The main reason why I built my house is because of them. It’s my turn to take care of them…,”  saad naman ni Derek.

Nang matanong naman ito kung kailana nila planong magpakasal ni Andrea, heto ang naging sagot ni Derek:


“Soon. Let this year end… Although the end of my year is really, really good.”

Dalawang linggo matapos lumabas ang naturang vlog ay lumabas ang balita na hiwalay na nga ang dalawa. Ikinabigla naman ito ng marami lalo na’t kamakailan lang ay inihayag nina Derek at Andrea na handa na silang magpakasal.

Ang balita tungkol sa kanilang hiwalayan ay nagsimula matapos mapansin ng mga netizen na binura na ng mga ito ang kanilang mga larawan na magkasama. In-unfollow na rin ni Andrea si Derek na nagpalakas pa sa spekulasyon.

Hanggang sa tuluyan na ngang kinumpirma ni Derek ang tungkol sa hiwalayan sa pamamagitan ng isang Instagram comment. Dito, inihayag ni Derek na walang third party sa kanilang hiwalayan. Ani nito,

“Please don't point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party! The breakup has happened so fast. Maybe two people are just not meant to be…

“We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves. Mahal ko si Ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.”


Kinumpirma na rin ito kalaunan ni Andrea sa pamamagitan ng isang pahayag. Saad naman ng aktres,

“Derek and I are no longer together. I'd rather keep the details private as I want to give the break up the same amount of respect that I had for the relationship. I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well,

Panoorin ang buong video!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment