Monday, November 23, 2020

Pinay, Ikinasal sa Amerikanong Nagbigay Rito ng Christmas Gift Noong Bata pa Lamang Sila


Kakaiba ang kwento kung paano nagkakailala at nagkatuluyan ang mag-asawang sina Joan Marchan, isang Pinay, at Tyrel Wolfe, isang Amerikano. Ang kanilang kwento ay isang patunay na mayroong tadhana.

Noong taong 2000, isa ang pitong taong gulang na si Tyrel Wolfe sa mga batang nagpadala ng regalo para sa ibang mga bata sa ibang bansa na inilalagay sa isang shoe box. Ito ay sa pamamagitan ng charity project na Operation Christmas Child.

Isa ang mga bata sa Pilipinas sa makakatanggap ng mga regalong ito. Sa kanyang regalo, naglagay si Tyrel ng isa niyang larawan na mayroong nakasulat na address. Ang kaedad nito at simpleng bata na si Joan ang nakatanggap ng regalong ito ni Tyrel.

Upang pasalamatan ang huli, nagpadala ng sulat si Joan para kay Tyrel ngunit hindi ito nakarating sa Amerikano. Matapos ang 11 taon, sinubukan ng Pinay na hanapin si Tyrel sa Facebook at nagpadala dito ng friend request.

Dalawang taon pa ang lumipas bago tuluyang tinanggap ni Tyrel ang friend request ni Joana dahil nais nitong makilala kung sino ang Pinay. Tinanong niya rito si Joan kung paano niya ito nakilala at ipinakilala naman ni Joan ang sarili na ito ang nakatanggap ng regalong ipinadala niya 11 taon ang nakalipas.


Noong una, hindi matandaan ni Tyrel ang sinasabi ni Joan ngunit, matapos tanungin ang ina ay kinumpirma niya rito na nakapagpadala nga siya dati ng regalo sa pamamagitan ng isang charity. Dito na nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa.

Hanggang sa napagdesisyunan ni Tyrel na puntahan si Joan sa Pilipinas kaya nag-ipon ito upang makabyahe. Sa unang beses na kanilang pagkikita, napaiyak si Joan dahil hindi niya inakala na darating ang naturang araw.

“When I finally got there and saw her, I had to punch myself a couple times because I thought it was a dream… I was immediately attracted to her,” ang ani naman ni Tyrel.

Sa ikalawang beses na pagpunta ni Tyrel sa bansa, hiningi na nito ang kamay ng dalaga sa mga magulang nito. Ngunit, tutol ang ina ni Joan na magpakasal ang anak dahil anito, masyado pa silang mga bata.

Kaya naman, bumyahe papuntang Pilipinas ang tatay ni Tyrel upang kumbinsihin ang nanay ni Joan na payagan silang magpakasal. Dito na nakumbinsi ang nanay ng Pinay.

Pagkatapos ng 14 taon, pinakasalan ni Joan ng batang lalaki na nagbigay sa kanya ng regalo noong bata pa lamang sila. Noong 2014, pormal na ikinasal sina Joan at Tyrel sa Midvale, Idaho. Sa kanilang kasal, nagsuot si Tyrel ng barong habang simpleng puting bestida naman ang isinuot ni Joana.


Namumuhay ngayon ng simple ang mga ito sa Amerika kasama ang kanilang isang anak. Ang kwentong ito ng kanilang pag-iibigan ay kinagiliwan at iniyakan ng marami na naantig sa paraan ng kanilang pagkikita at pagkakakilala.


Para kay Tyrel, ang kanilang pag-iibigan ay hindi lamang nabuo sa simpleng pagkakakilala nila sa social media dahil naniniwala ito na tadhana ang nagdala sa kanila sa isa’t-isa. Para rito, gumawa ng paraan ang Diyos para makilala niya ang babaeng kanyang mamahalin at pakakasalan.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment