Nitong nakaraang mga araw, sa paghugpit ng bagyong Ulysses sa bansa ay tulong-tulong ang mga Pilipino sa pag-aabot ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo. Nanguna sa mga pagtulong na ito ay ang ilang mga sikat na vlogger sa bansa.
Dahil dito kaya umani ng maraming papuri ang naturang mga vlogger para sa kanilang kabutihan at pag-aabot ng tulong. Ngunit, isang sikat na vlogger ang kinwestyon ng publiko dahil hindi kagaya ng ibang mga vlogger ay wala raw silang narinig na tumulong ito sa mga nasalanta ng bagyo.
Ito ay ang vlogger na si Pambansang Kolokoy o Joel Mondina na bagama’t Pilipino ay nakabase na ngayon sa Amerika kasama ang pamilya. Sa isa sa mga vlog ng nito, isang netizen ang nag-iwan ng komento tungkol sa hindi raw nito pag-aabot ng tulong gaya ng ibang mga Pilipinong vlogger.
“Many bloggers here in the Phils. share their blessing from YouTube sa mga nasalnta ng bagyo. We didn’t hear from you,” ani pa ng netizen.
Makahulugan naman ang naging sagot dito ng vlogger. Ani niya pa rito,
“Nobody has to know, nobody needs to know, and they don’t have to know.”
Sa isang Facebook post, inihayag ni Mondina ang kanyang saloobin tungkol dito. Ayon sa vlogger, hindi raw nito ugali na ipaglandakan ang kanyang ginagawang pagtulong kaya hindi niya ito ipinapaalam sa publiko kagaya ng ginagawa ng ibang mga vlogger. Kaya naman, pakiusap ng vlogger ay huwag siyang ikumpara sa mga ito.
“Bakit kailangan ko pang sabihin sa inyo? Why? That's not me and I don't play that kind of game so please stop comparing me to them.
“Masaya silang ipinangangalandakang nakatulong sila, pwes ako mas masaya ako na ako, ang panginoon at mga tinulungan ko lang ang nakakaalam,” pahayag pa nito.
Sang-ayon naman sa pananaw na ito ang maraming mga netizen na agad naintindihan ang nais na sabihin ng vlogger. Ayon sa mga ito, tama sa Mondina na hindi naman dapat na inihahayag sa publiko ang ginagawang pagtulong lalo na’t kung ang tanging hangarin lamang talaga nito ay makatulong.
Bagama’t hindi nila nakikita na tumutulong ito sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ibig sabihin ay hindi ito kumikilos at nag-aabot ng tulong. Sadyang mas pinili lamang nito na hindi ihayag sa publiko ang ginawa nilang pagbabahagi ng tulong.
Komento pa nga tungkol dito ng ilang mga netizen:
“Exactly… God knows everything you did and you don't need to publicize every move. Salute! I really admire those people who helped people in need with open hearts… not because they need to capture/film it.”
“I agrèe. Social media nowadays nga naman! Not all good deeds that you do must be posted on social media. This man and his family have a good heart! What the world needs now is prayer and compassion for the families who are affected by the pandemic and typhoon. God bless Pambansang Kolokoy.”
“That is the world we are living in right now. All needs to be publicized for attention, likes and views. It's a scary thought… Kudos sir Pambansang Kolokoy. Good example to your kids and to mine and hopefully to others as well. Lets just help in silence and with sincerity.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment