Thursday, November 12, 2020

Mga Lugar sa Luzon, Lubog sa Baha Dulot ng Typhoon Ulysses; Mga Residente, Naghihintay pa rin ng mga Rescuers


Hanggang ngayon ay lubog pa rin sa hanggang bubong na baha ang maraming lugar sa Luzon partikular na ang mga lugar sa Metro Manila. Sa social media ay nagkalat ang larawan ng mga ito na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng mga rerescue sa kanila.

Ang pananalasang ito ni Typhoon Ulysses ay ikinukumpara ng karamihan sa baha na dulot din dati ni Bagyong Ondoy.

Upang makaligtas, kanya-kanya nang salba ang mga residente sa kanilang mga sarili at ngayon ay nananatili sa bubongan ng kanilang mga bahay habang naghihintay ng mga re-rescue sa kanila.

Lubog sa baha ang maraming mga lugar gaya ng Marikina at Pasig City. Patuloy din ang mga rescue operations para masagip ang mga residenteng ito na stranded sa baha.

Base nga sa isang viral post, isang mag-asawa ang gumamit ng palanggana upang doon ilagay ang kanilang sanggol pa lamang na anak at hindi ito mabasa sa baha.

Makikita rin sa ilang mga video na ibinahagi sa social media ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Marikina River na siyang nagdulot ng matinding pagbaha sa lugar. Sa tindi ng baha rito ay marami pa rin ang hindi nare-rescue na patuloy na nananatili sa kanilang mga bubong upang maging ligtas sa mataas na baha.

Nagkalat sa social media ang iba’tibang mga indibidwal na humihingi ng tulong at umaasa na mare-rescue sila agad at madala sa mas ligtas na lugar. Sa kasagsagan ng mataas na baha ay patuloy din ang pagsasagawa rito ng lokal na pamahalaan ng mga evacuation. 



Sa taas ng baha sa Marikina ay nilusong na mismo ng kanilang Mayor ang baha para makapag-ikot sa nasasakupan at tumulong na magsagawa ng mga rescue operation. Dahil likas na bahaing lugar ang Marikina ay grabe ang naging epekto rito ng bagyo.

Upang makatulong sa mga ginagawang rescue sa Marikina ay nagpadala na rito ng tulong ang kanilang mga karatig na lungsod tulad ng Navotas. Tulong-tulong na ang mga ito para sa pagliligtas at pagrescue sa mga nasalantang residente.

Sa Pasig City ay puspusan din ang rescue operations para sa mga residente na na-trap sa mataas na baha. Tumaas din ang lebel ng tubig sa Pasig river bunsod pa rin ng bagyo. Hindi rin nakaligtas mula kay bagyong Ulysses maging ang Palasyo ng Malacañang na nalubog din sa baha.

Base sa pinakahuling ulat, apat na ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Ulysses na tatlong beses nag-landfall sa bansa, partikular na sa Quezon. Maliban sa ka-Maynilaan, naminsala din ang bagyo sa Catanduanes, Bicol, Pangasinan, Bulacan, at ilan pang karatig na mga lugar.

Sa social media ay hinhikayat ngayon ang mga residenteng nangangailangan ng rescue na gamitin ang mga hashtag na #RescuePH at #UlyssesPH upang matunton sila ng mga nagsasagawa ng rescue operations.

Patuloy din ang pagdarasal ng mga kapwa Pilipino para sa kaligtasan ng mga residenteng ito na nastranded sa baha. Patuloy din ang pagpapadala ng mga tulong para sa mabilisang pagkakarescue ng mga nasalanta ng bagyo.


Panoorin ang buong video dito!



Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment